5,024 guests

Charo, parang si Mama Mary

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 364
Charo Santos-Concio Charo Santos-Concio

As of press time ay wala pang statement o reaksyon sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito hinggil sa ini-reveal ng half-sister ng aktres na si Max Eigenmann na si Jake ang ama ni Ellie na anak ng aktres.

But since pamilya ni Andi ang nag-confirm, considered almost certified truth na ito at lahat ay naniniwala sa rebelasyon ni Max.

Of course, ang dami ring nag-aabang sa statement ni Albie Casino na 5 taong ding napagbintangang ama ni Ellie simply because siya ang itinuro ni Andi.

Nagbigay na ng pahayag si Albie sa PEP saying na he’s relieved now that the truth is out.

Nagpost din si Albie sa kanyang Instagram account ng isang simpleng “thank you” at bagama’t wala itong pinatutungkulan, you could easily guess na ang bagong kaganapang ito na naglilinis ng pangalan niya ang kanyang tinutukoy.
   
Ang dami ring bumabati kay Albie at masaya ang  fans and supporters niya for him.
 
Well, Albie should thank Max dahil kung hindi dahil dito, hindi mabubunyag ang malaking sikretong ito.
   
We just don’t know kung ano ang plano ngayon ni Andi pero for her daughter’s sake, we suggest that she should come clean at aminin na ang dapat aminin. Mas naging okay nga sana kung sa kanya nanggaling ang pag-amin at hindi sa ibang tao.

* * *

Kulang na lang ay sambahin ni Kakai Bautista si Charo Santos-Concio na kasama niya sa pelikulang Ang Babaeng Humayo. As in araw-araw daw talaga ay nai-starstruck siya sa magaling na aktres at dating ABS-CBN president and CEO.
   
“Grabe, napaka-soft-spoken niya, parang laging may binabasang sulat,” say ni Kakai na ikinatawa ng lahat.
   
Hangang-hanga rin siya sa husay ni Charo sa pag-arte lalo na sa scene na nag-monologue ito. After the take ay tinatanong siya nang malumanay ng dati niyang boss kung kumusta ang eksena. Hindi raw siya talaga agad nakasagot at natulala na lang siya.
       
“Kasi parang... si Mama Mary ba ang bumaba sa lupa?” sey ni Kakai.
       
’Pag tinatanong nga raw siya kung kumain na siya, parang hindi na niya maisubo ang kinakain niya.
 
Kwento nga ni Kakai, inilihim daw sa kanya ng produksyon na si Ma’am Charo ang makakasama niya. Nakita na lang daw niya ito sa shooting mismo sa Mindoro na naglalakad at gulat na gulat daw siya. Saka pa lang daw sinabi sa kanya na makakasama nga raw nila ito bilang bida ng pelikula.      
   
Deskripsyon pa ni Kakai, sobrang humble raw talaga ni Charo. Naglalakad daw ito sa ulan at sa shooting ay wala silang stand by area pero okay lang daw sa lady boss.
   
“Si Ma’am Charo po, sobra-sobrang humble, sobrang jologs na sosyal na hindi mo maintindihan at kahit ano na lang. Hindi siya ’yung ‘o pengeng tissue.’ Mas ako pa nga ang ganu’n,” natatawa pa niyang kwento.
   
“Saka si Ma’am Charo, wala talaga akong masabi. Talagang kulang na lang, belo. Umiilaw siya kahit ang dilim-dilim sa Mindoro. Grabe si Ma’am Charo, grabe itong pelikulang ito. Hay!” sey pa ni Kakai.
   
Showing na ngayong Sept. 28 ang Ang Babaeng Humayo produced by Cinema One Originals and Sine Olivia Pilipinas and distributed by Star Cinema.