5,005 guests

Alden, malapit na lumipad sa Encantadia

Superstar Duets Superstar Duets

long wait is finally over. After niyang i-announce na papasok siya sa Kapuso telefantasya na Encantadia, marami na ang nagtatanong kay Alden Richards kung kailan daw ito mangyayari. Simula next week, mukhang tatapusin na ni Pambansang Bae ang waiting game para sa kanyang fans dahil  isang pasabog ang gagawin ni Alden sa Encantadia bilang isang Mulawin sa katauhan ni Lakan.

Ano kaya ang magiging papel ni Lakan sa apat na Sang’gre? Maituturing ba siyang isang kakampi o kaaway? Yan ang dapat nating abangan.

May matatanggal na sa Celebrity Duets

MATAPOS hindi matuloy ang elimination last week, ngayong Sabado tiyak na tiyak na isa sa celebrity contestants ang magpapaalam sa Superstar Duets.

Sino kina Jerald Napoles, Rita Daniela, Joross Gamboa at Pekto ang ma-e-eliminate?

Abangan ang kanilang performance with their respective superstar partner at ang nakakaloka at kakaibang “Pak Ganern” game na kanilang pagdadaanan.

Ang Ultimate Star Jennylyn Mercado ang host sa Superstar Duets na napapanood tuwing Sabado pagkatapos ng Magpakai-lanman sa GMA7.

Pauleen, excited na sa Pasko

IKINATUWA ng marami niyang Instagram followers nang mag-post si Pauleen Luna ng kanyang paunang Christmas décor. Kitang-kita sa post ang excitement ni Pauleen. Syempre naman, ito ang una niyang Pasko as Mrs. Sotto at una rin nilang Christmas celebration ni Bossing Vic Sotto sa kanilang bagong bahay kaya hindi surprising kung very special talaga for Pauleen at pati na rin kay Bossing ang paparating na Pasko.

Glaiza, todo-suporta kay John

HINDI pala sa mundo ng Encantadia natatapos ang pagiging mag-ama nina Glaiza de Castro at John Arcilla. In fact, hindi pinalampas ni Glaiza ang pagpapakita ng kanyang full support kay John nang panoorin niya ang huling gabi ng musical play ni John na Dirty Old Musical.  Sa kanyang Instagram account, ibinida pa ni Glaiza na isang “proud Hathoria moment” ang mapanood ang aktor. Kasama niyang nanood dito ang Encantadia director na si Mark Reyes at lighting designer na si Dennis Marasigan.

Ronnie Henares, nakaharap si General Bato

TILA na-inspire ang Pepito Manaloto star na si Ronnie Henares nang makaharap niya in person si General Ronald 'Bato' dela Rosa sa katatapos lang na PNP Chief Bato Cup gun shooting competition sa Lipa City, Batangas. Layunin ng kompetisyon na hasain pa ang kasanayan ng kapulisan sa pagbaril.  Sa sobrang paghanga  ng kilalang talent manager, nakipag-selfie pa siya with General Bato na ini-upload niya sa kanyang Instagram account na may caption na “The man of stone who has a kind heart! He’s sooo accommodating but i would never want to get on his bad side.”

Tom, may nakakakilig na mensahe para kay Carla

RELATIONSHIP goals na maituturing ang samahan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Marami pa nga ang nagsasabi na perfect daw sila para sa isa’t isa. Needless to say, agree naman dito ang Someone To Watch Over Me lead star nang mag-post siya sa Instagram ng isang heartfelt message para sa kanyang girlfriend. Aniya, "There are infinite multiverses and infinite possibilities and I am lucky to be on this one because of you @carlaangeline :) thank you for not only being an inspiration but a rock that holds me up to strive to be all that I aspire to. :):) #lucky".

Dennis, inumpisahan ang araw kasama si Jennylyn

HINDI maitago ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang pagiging proud sa kanyang rumored girlfriend na si Ultimate Star Jennylyn Mercado matapos mag-number one sa iTunes ang newest album ni Jen na Ultimate after a few hours lang ng release nito. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Dennis na inuumpisahan niya ang kanyang araw sa pakikinig sa boses at awitin ni Jen. Kilig naman ang dinala nito sa kanilang fans dahil, ayon as kanila, love is in the air.