5,024 guests

ToFarm Songwriting, priority ang amateurs

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 448

First encounter namin with Dr. Milagros How, ang mother ng very successful first ToFarm Film Festival kaya tinanong namin kung bakit after the  film festival ay gusto naman niyang magkaroon ng ToFarm Songwriting Competition.

Ang sagot niya overflowing daw kasi ang mga ideya na naiisip niya para mas lalong mapayabong ang kanyang advocacy na bigyang-pugay ang mga  magsasaka. Ang ToFarm Songwriting Competition daw will create more awareness and give recognition sa agricultural sector ng bansa.
       
Well, tama nga naman si Dr. Milagros.
      
During the press launch of ToFarm Songwriting Competition, nagkaroon ng konting pagkalito kung isasali ba sa contest ang mga previous winner ng iba’t ibang songwriting competition ng bansa. Baka raw kasi puro sila na rin lang ang manalo knowing how good they are at talagang beterano na sa paglikha ng kanta.
 
Sa guidelines kasi ng ToFarm, open ang competition sa lahat -- professionals and amateur songwriters, kaya baka masapawan ng mga datihan ang mga baguhan. Pero nilinaw ni Dr. Milagros na gusto nilang maka-discover ng mga bago at magagaling na songwriter kaya ang priority nila ay ’yung mga amateur.
   
Para nga huwag magkaroon ng kalituhan, balak pa niyang ihiwalay ang amateur sa professionals, pero hindi namin sure kung magagawa pa nila ito gayung gahol na sa oras at meron na silang deadline which is on Nov. 18 na.
   
Ang theme ng songwriting contest ay “Planting the Seeds of Change.” Kahit anong genre ay welcome tulad ng folk, acoustic, rock, jazz, R&B, country, pop, inspirational at fusion.
     
Dapat ang entry ay nasa MP3 format labeled with the title and con-testant’s name or nasa CD. Isama ang lyric sheet na 2 copies.
   
Ang criteria sa pagpili ng 9 finalists ay ang quality of composition, lyrics and its originality. Ang mapipiliang 9 ay tatanggap ng P40,000 each. Pero ang grand winner ay makaka-kuha ng P300K, ang second place naman will get P100K at ang third ay P75K.
   
Entries may be sent via courier or postal mail to: ToFarm Songwriting Competition, ToFarm Secretariat 10th Floor, Harvester Corporate Center, 158 P. Tuazon St., corner 7th St. Cubao or via email tofarmmusic @gmail.com.
   
Sali na kayo, sayang ang premyo at opportunity!