4,831 guests

Ruffa, hindi pa hiwalay sa dyowa

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 418

HINDI pa pala hiwalay si Ruffa Gutierrez sa boyfriend na si Jordan Mouyal, huh!

Sa Instagram post ni Ruffa, hayun at pabiyahe sila nI Jordan sa Italy.

“Last to check in, last to board. What else is new! Italyyy here we come!!! Happy days are here again! #pittureperfect #happyLife Italia.”
   
Kaya naman ’yung ko-mento kay Ruffa ay nagulat din dahil inakala nilang split na si Ruffa sa boyfriend.

* * *

IBINAHAGI ng ilang kaibi-gan ni Isabelle Daza sa social media ang naganap na kasal nila ni Adrien Semblat sa Italy nitong weekend.
   
Present si Senator Bongbong Marcos na si-yang naghatid kay Belle sa altar. Best friend kasi ng senador ang yumaong ama ni Isabelle na si Bong Daza.
   
Siyempre, nandoon din ang mother niyang si Gloria Diaz. Sa isang picture nga ni Belle, Gloria na Gloria ang hitsura niya habang hinahalikan ng asawa.
   
Nandoon din siyempre ang friends ni Isabelle na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis. Meron nga isang picture na kasama na kung hindi kami mali ay si Julia Clarete na out muna sa showbiz.
   
Ang natitirang single sa grupo nila ay si Anne at ’pag ikinasal, dapat abroad din para level siya sa mga friend, huh!

* * *

TUMABA ang puso ng baguhang si Sanya Lopez nang mabasa ang komento ng kanyang acting sa Encantadia.
   
“Newbie but she can definitely deliver,” komento ng isang netizen sa eksena sa telefanatsya na nagmamakaawang huwag siyang palayasin sa mundo ng Encantadia para dalhin sa mundo ng mga tao.
   
Ayon pa sa ilang Encantadiks, ginulat sila ni Sanya sa pagiging natural na aktres at may ibubuga pala, huh!