5,388 guests

Lovelife ni Liza, itsinismis ng manager

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 582
Liza & Enrique Liza & Enrique

Isang linggo na lang ang primetime series na Born For You na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador at nasa last few taping days na sila ngayon.

Binisita namin ang taping last Friday kung saan ay halos kumpleto ang buong cast sa pangunguna of course ng ElNella loveteam. Naroroon din sina Vina Morales, Francis Magundayao, Gina Pareño at Ogie Diaz.

Isa sa nakatsikahan namin ay si katotong Ogie na gumaganap na Desmond na assistant ni Marge (Ayen Munji-Laurel) and as usual, dahil natural na komedyante ang manager ni Liza So-berano, puro tawanan ang nangyari.

Pero sa seryosong usapan, isa sa naitanong kay Ogie ay kung ano na ba talaga ang real score ngayon between Liza and Enrique Gil.

“Ano ba sabi nila?” balik-tanong ni Ogie.
   
As Liza’s manager, ano ba ang tingin niya?
   
“Ako, tingin ko, sila,” pag-amin ni Ogie. “Pero mahadera naman ako kung ako ang magsasabi na ano, hayaan mo silang umamin kung gusto nilang umamin. Pero para wala silang date, eh, parang ganu’n.
   
“’Di ba, ’pag may date (kung kelan nagsimula ang relasyon), meron ding date ng split-up.”
   
Okay naman daw sa kanya kung sakaling may relasyon na ang LizQuen dahil 18 na rin naman daw si Liza at may bahay nang naipundar.
   
“Basta ang importante, lagi ko siyang pinaaalalahanan sa morality clause ng kanyang kontrata, especially ’yung sa mga endorsement niya. Medyo partikular siya do’n. ’Pag may mga bawal, hindi niya ginagawa,” pahayag pa ni Ogie.
   
Okay din naman daw sa kanya si Enrique dahil mabait naman daw itong bata.
   
“Saka, hindi naman ako ang magdedesisyon d’yan,” sey pa niya.
   
When asked kung nagpa-drug test na ba si Liza, aniya ay wala pa raw dahil Star Magic daw ang nag-i-schedule nu’n. Pero of course, willing na willing daw naman ang young actress to do it.
   
“Anytime. Kaya lang nasa New York siya ngayon, pauwiin ko para lang magpa-drug test?” pagbibiro pa ni Ogie.
   
After ng Dolce Amore ay may naka-line-up daw na movie for LizQuen pero wala pang announcement kung ano ito.

* * *

Aminado ang TV5 talent at Artista Academy Female Grand Winner na si Sophie Albert na talagang na-depress siya sa nangyari sa career niya sa Kapatid network.
   
Matapos manalo sa nasabing artista search noong 2012 ay hindi gaanong nabigyan ng exposure si Sophie sa Kapatid network.   
   
“Actually, super na-sad ako,” pahayag ni Sophie nang makausap namin sa contract signing niya sa Regal Films bilang Millennial Regal baby, “kasi siyempre, ine-expect mo, mag-i-start ka ng career, and then, hindi nangyari.  Parang medyo na-depress ako, kasi kala ko, there’s something wrong with me, kahit na I do my best, parang feeling ko, nothing’s happening. It was really a low, low time for me kasi things weren’t happening.”
   
Mas lalo pa ngang lumala ang sitwasyon nang mag-iba na ng management ang TV5 dahil hindi na talaga siya nagkaroon pa ng project. At hindi na rin naman daw niya inasahan talaga dahil even before ay nakatengga na nga raw siya.
   
Pero thankful na rin daw siya na nangyari ang mga nangyari lalo na nga ngayon na unti-unti nang dumarating ang bagong pag-asa sa kanya.
   
Released na si Sophie sa TV5 at heto nga’t kinontrata na siya ng mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde ng 8-picture contract sa Regal Films at kasalukuyan nang inaayos ang first project niya na ididirihe ni Joel Lamangan no less!
   
Balik Star Magic na rin si Sophie kung saan naman siya talaga nangggaling bago siya sumali sa Artista Academy, and she’s being co-managed by Manny Valera.
   
Dahil nasa Star Magic na nga siya, hopefully ay mabigyan din siya ng projects sa ABS-CBN dahil dream niya raw talaga na mapunta sa Kapamilya network.
   
“Next week, we’re gonna meet with Mr. M (Johnny Manahan of Star Magic), Sir Deo (Endrinal) and Ms. Malou (Santos). So, sana,” she said.
   
Kaya naman sobrang happy ni Sophie na finally ay mabibigyan na siya ng chance at opportunity na mas makilala ng mga tao and show them what she has got to offer na hindi niya nagawa sa TV5.