4,957 guests

May third party: Anak ni Gary V, hiwalay na sa misis?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 802
Gab Valenciano & Tricia Centenera Gab Valenciano & Tricia Centenera

ALTHOUGH wala pa ring kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo tungkol sa  break-up ng mag-asawang Gab Valenciano at Tricia Centenera na unang nagpakasal sa Amerika sa pamamagitan ng civil ceremony noong October 11, 2014 na sinundan ng dalawang magkasunod na wedding sa Pilipinas – una sa Tagaytay noong March 27, 2015 at sinundan ng  beach wedding sa Boracay noong March 31, 2015, lahat ng mga magkakahiwalay na mensahe na naka-post sa kanilang respective Instagram accounts ay nagpapahiwatig na hiwalay na ang  mag-asawa.

Nalungkot siyempre ang respective families and friends ng (dating) mag-asawa dahil hindi nila inaakala na mauuwi sa hiwalayan ang lahat.

May mga nagsasabi rin na ibang-iba raw talaga si Gab sa kanyang nakatatandang kapatid na si Paolo Valenciano na napaka-responsible husband sa asawa nitong si Samantha Godinez na malapit nang magsilang sa kanilang first baby.

May mga lumulutang ding balita na may third party umano sa part ni Gab kaya nagkahiwalay sila ni Tricia.

Pero hangga’t hindi nagbibigay ng kanilang respective statements ang mag-asawa, mananatiling espekulasyon ang lahat at kasama na rito ang paglitaw ng iba’t ibang babae na nali-link umano ngayon kay Gab sa kabila ng pagkakaroon nito ng asawa.

PAGPILI NG OFFICIAL ENTRIES, MAS CHALLENGING NGAYON SA MMFF

SA October 14 ang deadline of submission ng finished products para sa short films category ng ika-42 na taon ng Metro Manila Film Festival habang sa October 31 naman para sa full-length films.  On October 27 naman ihahayag ang walong short films na papasok habang on November 10 naman ang announcement ng walong official entries sa full-length category.
 
Nakarating sa amin ang balita na mahigit 50 pelikula (both short and full length) ang nai-submit with Letter of Intent sa ExeCom for screening pero 16 lamang dito ang makukuha – 8 para sa short film at 8 sa full-length movies na siyang magiging official entries para sa 2016 Metro Manila Film Festival.
   
Ang mga pipiliing pelikula na makakalahok sa 2016 MMFF ay kailangan umanong pumasok sa criteria at panuntunan ng revitalized MMFF – 40% for story, audience appeal at over-all impact, 40% for cinematic attributes and technical excellence, 10% for global appeal at 10% for Filipino sensibility.
   
Sa rami ng pelikulang kailangang panoorin ng screening committee ng MMFF, tiyak na mas tedious ito sa bumubuo ng screening body.
   
Sa full length category, may kani-kanyang entries ang Star Cinema, Regal Films, Viva Films, OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment, Quantum Films at iba pa.
   
Kung ibabase ng MMFF screening committee ang quality ng pelikula na walang commercial viability, tiyak na magkakaroon ito ng setback in terms of revenue lalupa’t umabot ng mahigit isang bilyong piso ang kinita ng festival noong nakaraang taon.
   
Base na rin sa past history ng MMFF, karamihan ng mga quality movies na kalahok  ay parating nangungulelat sa takilya o kung hindi man `first day, last day’ sa mga sinehan.

ERAP, DUMALO SA TURN-OVER CEREMONY NG MARE

DUMALO ang dating pangulo ng bansa at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada sa turn-over ceremony ng MARE Foundation na kanyang itinatag noong taong 1996 with former First Lady and Senator Dra. Luisa `Loi’ Ejercito Estrada as chairperson.  Ito’y ginanap last Wednesday (September 7) ng umaga sa San Andres Auditorium in San Andres, Malate, Manila.
   
Ang pamumuno ng MARE Foundation ay ipinasa na ni Dra. Loi Ejercito sa anak nila ni Mayor Erap na si Jackie Ejercito with Jackie’s sister-in-law at misis ni dating Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Vitug-Ejercito as vice-chairman.
   
Bukod kina Manila Mayor Erap Estrada, Dra. Loi Ejercito, Jackie and Precy Ejercito, naroon din ang ibang Board of Directors ng MARE Foundation na kinabibilangan nina Corina Ponce Enrile Yenko bilang treasurer, Maria Cristina Tantoco-Morada bilang corporate secretary kasama sina Fr. Edward M. Lavin, Ma. Rowena O. Ejercito, Gabriel M. J. Lopez, Precy V. Mathay, Willin C. Chan, Evelyn R. Carballo at Benita Tanyag.
   
Sinaksihan din ang turn-over ceremony ng maraming Manilenyo na nakatanggap na ng tulong mula sa MARE Foundation na nagbibigay sa mga nangangailangan  at mahihirap na Manilenyo ng medical assistance, scholarship, livelihood projects, feeding programs, artesian well distribution, urban greening program at iba pa.

WISH NI PRECY, MAKASAMA SI JINGGOY SA PASKO

SAMANTALA, inihayag ng misis ni dating Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito na patuloy na umaasa ang kanyang pamilya sa tuluyang paglaya ng kanyang mister ganoon din ng kaibigan nitong si dating senador Bong Revilla.
   
Sina dating senator Jinggoy at Bong ay mahigit nang dalawang taong naka-detain sa Camp Crame Custodial Center sa mga kasalanan na ibinibintang sa kanila  na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatunayan.
   
Sa darating na September 25 ay ika-50th birthday ni Bong Revilla at siya man at sampu ng kanyang pamilya ay umaasa na sana’y makalabas na rin.  
   
“Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa,” pahayag ng misis ni Bong na si Bacoor Cavite Mayor Lani Mercado.
   
Wish ni Precy ay makapiling na nila si Jinggoy  sa darating na Pasko sa labas ng Custodial Center ng Camp Crame.