6,042 guests

Dingdong still reigns (and rings) as Kapuso king

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 421
Dingdong Dantes Dingdong Dantes

DINGDONG Dantes still is the Kapuso King.

Dahil hindi pa rin siya nawawala sa primetime block ng GMA. Kahit may asawa't anak na siya, napapanatili pa rin niya ang kanyang appeal. At kahit pa bumulusok na sa kasikatan itong si Alden Richards, 'di maitatanggi na hawak pa rin ni Dong ang Kapuso primetime.

Sa katunayan, bibida siya sa panibagong fantaseryeng “Alyas Robin Hood”. Na mainit na pinag-uusapan sa social media ngayon. Diumano'y kopya lang ito sa foreign series na 'Arrow.' Malaking tulong ito sa publicity ng programa. Kaya marami na ang nag-aabang kung nanggaya nga lang ito. As they say, good or bad publicity is still a publicity.

Bago pa man pumutok ang nasabing isyu, matagal na naming napansin na mahilig ang Kapuso sa remake gaya na lamang nitong 'Encantadia'. Kahit ano pang itawag dito, para sa amin rehashed pa rin ito. Nariyan din ang TV remake ng classic movie na “Pinulot Ka Lang Sa Lupa”.

Ironically, our networks demand for original ideas; yet they continue adapting and rehashing old plots. Bukod sa ayaw na nilang mag-isip nang bago, mukhang naninigurado lang sila na muling tatangkilikin ang mga ito.
   
Samantala, bakit mukhang bothered ang isang headwriter ng GMA sa pagdedepansa na hindi raw copycat ng “Arrow” ang “Alyas Robin Hood”? Just asking...

KARLA, MAY CAREER NA AT MAY LOVELIFE PA?

KARLA Estrada now enjoys the fruits of her sacrifices.
   
Naudlot ang kanyang career noong nabuntis siya ni Rommel Padilla sa batang si Daniel. Pero sinong mag-aakala na kapalit pala nito ay isang magandang buhay para sa kanya? Now, Karla is dubbed as Queen Mother.
   
Naging tulay ang kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla sa pagkakaroon niya ng kanyang sariling career. Her career now comes in full circle. Nag-concert na siya sa Kia Theater. May recording album. At may morning show pa na 'Magandang Buhay'. Sa tagumpay na kanyang tinatamasa, may nagsasabing nagbago na raw ito at nakalimutan na ang mga kaibigan na kasa-kasama niya nung wala siya. Pero iba naman sa naririnig namin: Na siya ay galante at matulungin sa mga kaibigan. Kung nagbago man siya o hindi, depende siguro 'yun kung sino ang nagsasabi.
   
Ngayong buhay na buhay ang kanyang career, kumusta naman kaya ang lovelife ni Karla? Ano nang nangyari sa panunukso sa kanilang dalawa ng daddy ni Coleen Garcia? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..