4,464 guests

Star Cinema spent P1M per day for ‘Barcelona’

  • Written by Bong De Leon
  • Published in Showbiz
  • Read: 574
KathNiel in ‘Barcelona’ KathNiel in ‘Barcelona’

SOBRA ang exploration ng Star Cinema sa paggawa ng movie. Bale ba sila na lang sa mga established movie outfit  ang gumagawa ng pelikula sunud-sunod. At huwag ka, foreign location pa ang ginagamit.  Imagine, the expenses  kapag sa Europe kung saan euro ang gamit na pera  at U.S. dollar naman ’pag sa America. But it seems it doesn’t matter on the part ng Star Cinema kasi  alam nila  na  makukuha nila  ang ROI the sure way. International kasi ang booking.

Katulad ng bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “Barcelona: A Love Untold” na talagang sa Barcelona, Spain pa kinunan. Balitang higit sa P1M ang gastos nila roon araw-araw. At ang mga lugar, talagang famous tourist spots na hindi mukhang travelogue lang.  Iba talaga kapag magaling na director tulad ni Olivia Lamasan ang namamahala.  Ibang klaseng Kathryn  at Daniel  din daw ang makikita  dahil, ayon sa direktora,  nag-mature na ang kanilang  pag-arte.  Which probably mean – may makikita ang manonood na mas higit pa sa mga dati nilang nakikitang teenage lambingan sa mga dati nilang pelikula. But then, bakit hindi pa rin nila  madiretso na may halikan na sila? Gusto nila to leave an element of surprise for the sake of fans.

MGA ARTISTANG NAKALIMUTAN NA ANG EDUKASYON

SA dami ng mga artista ng ABS-CBN , kailangan  talaga na unique  ang talent na taglay ng gustong  sumikat. Malaki ang resources ng ABSCBN. Nandiyan pa ang TFC na sa daming Pinoy all over the world, talagang sisikat ang mga artista nila.  Kaya masuwerte  talaga ang mga  young  stas  natin  ngayon dahil bukod sa ang laki ng kanilang talent fee na natatanggap, sikat pa sila all over the globe.

Kaya one big hit, they can rest assured na may future na sila. Halos  hindi na nga tayo makahinga  kung anong TV shows ang panoorin.  May reality show, may “Maalaala Mo Kaya” (MMK for drama), may “Pinoy Big Brother” na every season, di lang limang mukha ang sumisikat.  May mga game show, singing and dancing contest, name it, they have it.  May school of drama pa ngayon na in-open  ng ABS-CBN  sa mga mahilig  sa sining.

Kaya showbiz agad ang puntirya kapag may magandang mukha at talento para kumita ng malaki. Iilan na lamang ang nagtapos  ng college. Well, masisisi ba natin sila?

DIREK BERT COMPROMISES

UNTIL now, viewers enjoy Friday night with “Bubble Gang” on GMA7. Kaya naman its new director Bert de Leon makes sure that they give what viewers are expecting.
   
Mukha namang nag-jibe sila ng head-comedian na si Michael V.Sabi nga, laughter is the best medicine.  This Friday night, big surprise stars will join the fun on “Bubble Gang”.