5,412 guests

Ara at ex-BF na mayor, madalas nagkikita!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 448

‘Wala naman siyang girlfriend pero iba ’yung priority niya’

INAMIN sa amin ni  Ara Mina sumagi sa isip niya noon ang posibilidad na magkabalikan sila ng dating kasintahang si Mayor Patrick Meneses na ama ng anak niyang si Amanda Gabriel o Mandy. Ayon sa aktres, hindi raw naman niya isinara ang kanyang pinto kay Patrick.

“Kaya nga hindi ako masyadong nag-i-entertain ng mga nagpaparamdam sa akin noon kasi siyempre, nando’n ’yung baka maging okey pa, ’di ba? Kasi wala rin namang masama dahil siya naman ang tatay ni Mandy.
   
“Pero tanggap ko na rin naman na friends na lang talaga kami. In-accept ko na na ganu’n. Wala rin naman siyang girlfriend pero iba ’yung priority ni Pat sa life niya, eh. ’Yon ’yung nakikita ko,” pahayag ni Ara.
   
Madalas ang nagiging pagkikita ngayon nina Ara at Patrick dahil sa kanilang anak.
   
“Minsan once a week or twice a week. Sandali lang naman kami ’pag nagkikita. Welcome naman siya sa house ko, do’n niya pinupuntahan si Mandy.
   
“Pero minsan iniiwan ko rin si Mandy sa kanya. Dinadala niya sa house nila. Naipapasyal pa niya,” sey pa ng aktres.
   
So, kelan niya balak umibig ulit at mag-entertain ng manliligaw?
   
“Actually, meron namang mga nagpaparamdam. Puro paramdam nga lang kasi siguro nag-aalangan sila sa relationship namin ni Pat kasi friends kami, di ba, and takot ’yung iba,” sagot niya.
   
Hindi ba niya hinahanap-hanap na merong karelasyon?
   
“Minsan nakaka-miss din ’yung ganu’n. Pero kapag kasama ko na si Mandy, buong-buo na ’yung pakiramdam ko, eh. Parang okey na kahit wala. But honestly, there are times na naghahanap ka rin ng magpapakilig sa ’yo. Kasi parang nakakabata ’yung ganu’ng feeling, eh. Nakaka-teenager. Ha-ha-ha. Sana next year, meron na (ng BF),” umaasam na sabi ni Ara.  

* * *

SA kuwentuhan nga pala namin ni Ara ay nabanggit niyang may offer sa kanya to do a teleserye sa GMA-7.  Any time soon ay makikipag-meeting na rin daw siya tungkol dito.
   
Doing fine at patuloy namang bumubongga ang kanyang Ara’s Secrets business at parami pa nang parami ang nagiging dealer nito sa probinsya.
   
Lovelife na lang talaga ang kulang sa aktres kaya wish din namin na makahanap na siya ng lalaking magmamahal sa kanya at  muling magpapatibok ng kanyang puso.