6,741 guests

NAIA naka-full alert

  • Written by Jun Icban LegaspiI & Itchie G. Cabayan
  • Published in Top Stories
  • Read: 350

INILAGAY sa full alert ang Ninoy Aquino International Airport kahapon matapos ang pagpapa­sabog sa Davao Biyernes ng gabi.

“Ito ay hindi para alarmahan ang publiko. Ginawa namin ang ‘alert status’ bilang hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga gumagamit sa airport,” sabi ni MIAA GM Ed Monreal.
“We have directed baggage screeners to remain vigilant and discerning and to conduct thorough inspection ONLY when the need calls for it. We do not want to cause inconvenience in the process by creating long lines at the baggage screening checkpoints,” paliwanag ni Monreal.

Sinabi rin ng airport chief bilang pagsunod sa ‘full alert status’ status, “we have full complement in our Airport Police Department. Cancelled day-off, no leave of absence.


Pinayuhan ni Monreal ang mga guma­gamit ng airport na huwag maalarma sa maraming mga nakikitang pulis sa Terminal buildings at sa labas ng NAIA.

“Our K9 units will also be a common sight in the complex under this situation,” dagdag ng airport chief. 

   
Ang mga security sa checkpoints ay magdaraos ng random rigid inspections sa mga sasakyan at pinapayuhan ang publiko na sumunod para sa kanilang sariling proteksiyon.
   
Nilimitahan din ang pagbibigay ng permit para sa pagsalubong o pag-send off ng mga pasahero.
   
Samantala, naglabas kahapon ang Davao City Social Services and Development Office ng talaan ng mga nasawi noong Biyernes ng gabi sa pagsabog sa Davao.
   
Ang mga namatay at nasa serbisyo ng Angel Funeral Homes ay sina Larida, Daniel; Larida, Melanie Faith; SP01 Adremesin, Jay; Cagantas, Rogelio; Basilisco, Mercy; Mr. X; and Decolongon, Cristelle (dinala na sa Surallah).
   
Nasa Cosmopolitan Funeral Homes sina Merisido, Ruth; Salvador, Reynaldo; Biscocho, Eufemia; Reyes, Christian Denver; Sobrecary, Evelyn at dalawa pang ’di nakikilalang tao.
   
Iyong mga nagtamo ng kapansanan ay 66 sa talaan ng CSSDO at dinala sa iba’t ibang ospital sa siyudad. Kabilang dito sina Cartagenas, Rosa; Lopez, Sherry; Palima, Haemaccel; Palima, Daryl; Ang, Mary Jane; Sobrecarey, Reyna Joy; Saiyon, Perliza; Fuerte, Marivic; at isang Ms. A; Usman, Junaeb; Jeukarnin, On Palao; Carayao, Jerome; Magardino, Jay; Bansil, Jeramil; Bansil, Myrna; Loreto, Joel; Claro, Annie Lee; Tagadaya, Princess; Cayao, Samuel; Cruz, Mary Grace; Gallardo, Julino; Biscocho, Eufemia; Masucat, Wilfredo; Salusugan, Joan Marie; Tayao, Samuel; Cruz, Mary Grace; Malang, Raihana; Rosal, Jenalyn; Magandig, Joy; Merioles, Gleen; Kimberly (taga Tibungco); Puton, Mylene; Cape, Jean; Sarong, Trisha; Cruz, April Ann; Lamban, Losario; Larida, Dennis; Tagadaya, Steven; Esterno, Joel; Manalo, Fatima; Mr. B; Kara, Angeline; isang Egbus, Michael; Rodriguez, Reezabeela; Rodriguez, Camille; Grecia, Anji Laura; Tumampos, Jay; Balili, Marieta; Reyes, Joanna; Torres, Donny; Goc-ong, Brando; Nacario, Erickson; Cabaral, Glenn; Campos, Errol; Uy, Flordeliza; Caniba, Jamil; Esportono, Lilibeth; Samonh, Dionane; Artigos, Melvin; Ampaso, Eldy; Manan, Farusi; Nacario, Emelita; Tandang, Karen; Bernales, Liezel; Padernal, Antonio and Merioles, Jasmin.

Kasama si Efren Montano