8,043 guests

Atom, malihim sa lovelife

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 626

AY, salamat naman, Ian F., at napapanood pa rin pala si Atom Araullo sa kanyang programang Red Alert late night Wednesdays.

Ang ganda ng mga revelation niya kung bakit maraming aksidente at krimen na nagaganap sa ating kalye at kung bakit madalas, hindi nabibigyan ng katarungan ang mga biktima.

Isa rin sa mga good-looking tv personality sa news si Atom. Bukod pa sa maganda ang kanyang credentials, dahil ang alam natin na isa siyang Atenean.
   
Ang kapansin-pansin lang, malihim si Atom where his personal life is concerned. Hayan at ’di natin alam kung taken na ba siya o hindi pa.
   
Minsan na siyang na-link sa kasalukuyang Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

* * *

Isa pang occasional newscaster, regular tv and radio host na aming hinahangaan ay si Anthony Taberna.
   
Isa kasi sa aming avid na sinusubaybayan ang kanyang report late night Fridays na Tapatan ni Tunying.
   
Kapag, wika nga, on the road kami, at nagkataong on the air ang programa nila ni Gerry Baja, ang Dos Por Dos, ’di namin pinalalampas na ’di ito mapakinggan lalo na kapag nagri-repartee sila ni Gerry.
   
But last Sunday, after namin mapanood ang preview ng ilang episode ng kasisimulang series na Till I Met You ng Dreamscape Entertainment Television  starring James Reid and Nadine Lustre, ibang Tunying ang aming nakita.
   
Isang amang, karga-karga ang anak na natutulog.
   
Dalawa ang anak na babae ni Anthony sa kanyang magandang asawang si Rosell.
   
By the way, for those of you who don’t know yet, may branch na sa Timog Avenue, Quezon City, ang restaurant ni Anthony na Ka Tunying’s Cafe.
   
Ang unang branch ay located sa kahabaan ng Visayas Ave., Quezon City.

* * *

Tanong lang, Ian F.: Sino kaya ang magandang babaing kasama ni Martin del Rosario sa Trinoma Mall last Sunday?
   
A contract talent ng GMA-7, Martin was not linked to any of his fellow female Kapamilya stars before.
   
Kung sabagay, mukhang ’di taga-showbiz ang babaing nakita namin na kasama ni Martin.

* * *

Correction please: Someone told us that we barked up the wrong tree when we named Aljur Abrenica as the former fellow Kapuso talent ni Yassi Pressman na iniyakan niya when they broke off. So, sorry.
   
Did we hear it right that the culprit in question, kumbaga, is Sef Cadayona?
   
True or false?
   
By the way, showing pa sa ilang theaters ang pelikula ni Yassi na Camp Sawi with Andi Eigenmann, Kim Molina, Bela Padilla and Arci Muñoz.
   
Napapanood din si Yassi gabi-gabi (weekdays) sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.