6,486 guests

Lovi, ’di masagot kung paano naka-move-on kay Rocco

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 460
Lovi Poe Lovi Poe

Ayon kay Lovi Poe, ayaw daw niyang maging unfair kay Rocco Nacino at maging sa sarili niya kaya mas minabuti na niyang maghiwalay na lang sila.

“Important kasi na marami pa akong ma-discover sa sarili ko. I don’t wanna be unfair to myself and unfair to him, especially. So, sabi ko nga, sa lahat ng mga nangyayari, hindi ko naman sinasara ang pintuan ko sa kung ano pang pwedeng mangyari.

“It’s just that right now, at this very moment, I just want to do things alone,” pahayag ni Lovi.

Pero open ba siya sa reconciliation kung sakali?

“Of course, I’m open but right now kasi talagang gusto kong mag-focus sa trabaho ko, I wanna have more time with myself. Marami kasi akong...  siguro, dumadaan ako sa quarter-life crisis. There’s so many things that I wanna do,” sey pa ni Lovi.
   
Feeling ba niya ay nagiging hadlang si Rocco sa mga gusto niyang gawin?
   
“No, hindi siya hadlang. If anything, si Rocco naman, he would push me to do my best and everything. It’s just that siguro, may mga tao kasi na they get to work on themselves better alone.”
   
Pero willing naman siyang makatrabaho pa si Rocco?
   
“Of course, of course. I’m always willing to work with him and professional naman kaming dalawa.”
   
When asked kung paano siya nag-move-on sa break-up nila ni Rocco, ayon kay Lovi ay mahirap daw itong sagutin.
   
“It’s just hard to talk about moving on,” she said
   
Nanghinayang ba siya sa relasyon nila?
   
“Well, there’s so many things siguro na sana... siyempre, maraming mga sana, ganito, ganyan, pero wala eh, ganu’n talaga. Siguro, ang masasabi ko na lang, I did my best naman.”
   
Pero no regrets at all naman daw siya sa naging relasyon nila ni Rocco. “It was a really good relationship and I was happy,” sey pa ng aktres.
   
Natanong din si Lovi kung nag-unfollow-han na ba sila ni Rocco sa social media at aniya ay hindi naman daw.
   
“Kasi ’yun nga, hindi naman porket hiwalay na kami, eh, hindi ko pa rin naiisip ang kalagayan niya. Of course, naiisip ko pa rin siya. Ang difference lang ngayon is inuuna ko muna ’yung sarili ko.
   
“Physically, hindi ko siya nakikita but iniisip ko ang kapakanan niya and I’m always praying for him, that I hope he’s doing well,” she said.
   
Sa ngayon natsitsimis na may bago nang boyfriend si Lovi, ang non-showbiz Fil-French guy na si Chris Johnson pero aniya ay friends lang daw talaga sila.
   
Mahirap daw kasi ang long distance relationship bilang dati na niya itong naranasan.
   
“Marami pang pwedeng mangyari. Bahala na si God kung ano ang gusto Niyang mangyari,” say pa ni Lovi.

* * *

Kakaibang pasabog ang dala ng GMA Network tuwing Sabado ng gabi sa pagsisimula ng pinakabago at kakaibang celebrity singing competition ngayong Setyembre, ang Superstar Duets.
   
Pangungunahan ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado bilang host, itatampok sa weekly program na ito ang pagsasama-sama sa iisang stage ng walong Filipino celebrity performers at ilan sa mga kilalang international music icons para sa isang one-of-a-kind live duet performance.
   
Ang magsisilbing mga hurado at pipili kung sino ang karapat-dapat na tanghaling kauna-unahang Superstar Duets Champion ay sina comedian/TV host Allan K, Traffic Diva Aicelle Santos at ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
   
Mula sa direksyon ni Bert de Leon, abangan ang Superstar Duets tuwing Sabado ng gabi simula Setyembre pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.