6,180 guests

Maine sa kanyang bakasyon sa Amerika: Tiring but fun

Maine Mendoza Maine Mendoza

NASA bakasyon ang AlDub actress na si Maine Mendoza habang sinusulat namin ito. Sa latest tweet ng magandang dalaga, nakasama ni Maine ang AlDub Nation chapter mula sa Los Angeles nang siya ay bumisita sa sikat na theme park na Universal Studios Hollywood. Ayon sa post ni Maine, “Today was fun! ..but tiring.. but FUN! Day well spent at Universal Studios! Thank you beri mucho, ADN LA!”

Direk Maryo J,  gustong talakayin ang plight ng Filipino fishermen sa West PH Sea

GUSTO ng Project  Director ng ToFarm Film Festival  na si Direk Maryo J delos Reyes na maging mas malawak ang talakayin ng mga sasali sa scriptwriting contest para sa ToFarm Film Festival 2017. Iminumungkahi niyang magkaroon ng istorya tungkol sa buhay mangingisda sa may West Philippine Sea.

Ayon sa award-winning director,  napapanahon ang topic na ito dahil  alam ng lahat na dati’y malayang nakapangingisda ang mga Pilipino sa  West Philippine Sea hanggang sakupin ng China ang lugar kahit nasa 200 miles economic radius zone ng Pilipinas.  Mas maraming isda sa West Philippine Sea kaysa sa side ng Pacific Ocean. Kaya laking hirap ang dinadanas ng mga mangingisdang taga Bataan, Zambales at Pangasinan provinces.

Ang  deadline ng entries ng script writing contest ay sa November 18.  Ang mananalong anim na script na gagawing pelikula ay bibigyan ng seed money sa pagpu-produce ng pelikula na P1.5 million each.

Samantala, bilang isang beteranong direktor, hindi na raw naiisip masyado ng Someone To Watch Over Me director na si Maryo J. ang kompetisyon. Mas binibigyang halaga niya ngayon ang pagbibigay ng magandang mensahe at inspirasyon sa mga manonood.
   
Aniya, “Well, basically, you’ll be concerned sa competition. Pero siguro dahil sa tagal ko na at sa tanda ko na dito sa industriya, ang importante sa akin ay maglahad ng isang magandang kuwento in the best way I can. So, competition will always be there. We just have to do the best every time sa paglalahad ng kuwento.”

Tom, kaiinggitan: 'Masarap maging actor'

KAIINGGITAN si Tom Rodriguez ng mga kabaro niya bilang napakasuwerteng nilalang sa set ng  Someone To Watch Over Me dahil sa isang araw  na taping ay dalawang magaganda at seksing babae ang naka-bed scene niya: Sina  Max Collins at Lovi Poe.
   
Kinunan ang eksena  para sa trailer  ng series. Dalawa ang babae ni  Tom sa istorya. Isang past girlfriend na si Max at ang wife na si Lovi.
   
Sa interview kay Tom, nasabi niyang sa set lang niya nalaman ang breakdown ng kanyang mga eksena. Sa umaga ay love scene kay Max at  after lunch kay Lovi. Natawa lang daw ang actor. Nagbiro pa na “Masarap talagang maging actor.”
   
Sa story ang bagong soap ng GMA7 na magsisimulang ipalabas sa  September 5,  magkakaroong ng Alzheimer's disease si  Tom kahit sa murang edad  pa lang. Ang gagawin ng dalawang babae sa buhay niya ay uunawain na lang ito hanggang kaya nila.
   
Ang pilot episode ng Someone To Watch Over ay kinunan pa sa  makasaysayang  Vigan, Ilocos Sur.

GMA Network, may malaking pasabog ngayong Setyembre

KAKAIBANG pasabog ang dala ng GMA Network tuwing Sabado ng gabi sa pagsisimula ng pinakabago at kakaibang celebrity singing competition ngayong Setyembre, ang Superstar Duets.
   
Pangungunahan ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado bilang host, itatampok sa weekly program na ito ang pagsasama-sama sa iisang stage ng walong Filipino celebrity performers at ilan sa mga kilalang international music icons para sa isang one-of-a-kind live duet performance.
   
Ang magsisilbing mga hurado at pipili kung sino ang karapat-dapat na tanghaling kauna-unahang Superstar Duets Champion ay sina comedian/TV host Allan K, Traffic Diva Aicelle Santos at ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
   
Mula sa direksyon ni Bert de Leon, mapapanood ang Superstar Duets tuwing Sabado ng gabi simula Setyembre pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.