4,590 guests

Rufa Mae, tatlong buwang buntis

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 677
Rufa Mae Quinto and her fiancé Trev Magallanes Rufa Mae Quinto and her fiancé Trev Magallanes

GAANO kaya katotoo ang balitang three-months pregnant na ang singer-comedienne na si Rufa Mae Quinto courtesy of her fiancé na si Trev Magallanes?

Although pinaghahandaan na ni Rufa Mae at ng kanyang fiancé ang nalalapit nilang pagpapakasal, hindi maitatago kung talagang nasa interesting stage na ang comedienne sa kanilang magiging first baby ni Trevor.

SOFIA, HUMARAP SA PRESS MATAPOS PUMIRMA SA VIVA

SA kauna-unahang pagkakataon ay humarap sa media ang panganay na anak ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring Romualdez na si Sofia Romualdez (17) na may kinalaman sa kanyang pagiging bagong miyembro ng Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus, anak ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario, Jr.

Excited na rin si Sofia sa unang phase ng kanyang career, ang pagkakaroon  ng  debut album under  Viva Records.

MAINE, PINAGKAGULUHAN SA US AIRPORT

PINAGKAGULUHAN si Maine Mendoza sa LAX, ang airport ng Los Angeles, California, ng fans na talagang nag-abang sa kanyang paglabas sa nasabing airport nang magbakasyon siya sa Amerika.
   
Ang fans ni Maine ay nagmula pa umano sa iba’t ibang malalayong lugar ng California at nagtiyagang maghintay sa kanya para lamang makita siya nang personal.  Hindi naman nagdamot si Maine ng kanyang oras at attention sa mga ito.
   
By this time ay nakabalik na ng Pilipinas si Maine na muling mapapanood sa “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga” kung saan naiwan ang dalawang lola na sina Lola Tidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at ka-love-team niyang si Alden Richards na siya munang pansamantalang pumalit kay Maine habang ito’y nasa Amerika.

BIANCA, PUPUNTA SA BRAZIL PARA MAKILALA ANG PAMILYA NI FABIO

MUKHANG seryoso na nga talaga ang relasyon ng dating beauty queen-turned actress na si Bianca Manalo sa Brazilian-Japanese model-turned actor na si Fabio Ide dahil magtutungo umano ng Brazil si Bianca para makilala ang parents at pamilya ni Fabio.
   
Si Fabio ay may isang anak na babae sa panganay ng veteran actress na si Melissa Mendez na si Denise Oca na si Danielle na close din umano kay Bianca.
   
Alam ni Bianca na mahal na mahal ni Fabio ang kanyang anak kay Denise at hindi umano ito nagpapabaya sa kanyang obligasyon sa bata.
   
Masaya naman sa set-up si Denise dahil kahit kelan ay hindi umano nagpapabaya si Fabio bilang ama ni Danielle.
   
Samantala, tila second home na ni Fabio ang Pilipinas tulad ng kanyang kababayan na si Daniel Matsunaga.  Nag-invest na rin si Fabio sa iba’t ibang negosyo sa Pilipinas sa tulong ng mga kaibigan.

JUDAY AT SHARON, PURSIGIDONG PUMAYAT

PAREHONG pursigido ang ‘mag-ate’ na Sharon Cuneta at Judy Ann Santos na maibalik sa dati ang kanilang mga katawan.  Malaki na pareho ang ipinayat nina Sharon at Juday.
   
Proud si Juday sa determinasyon ng kanyang Ate Sharon na pumayat nang husto at makikita naman ito ngayon sa megastar.
   
Tiyak daw na mapapahiya ang mga basher ni Sharon sa pagsasabing malabo na itong pumayat muli.
   
Looking forward naman si Juday na makagawa ng isang bagong teleserye naudlot nang kanyang ipagbuntis ang kanilang bunsong anak ng husband niyang si Ryan Agoncillo, si Luna.
    
Kung matatandaan pa, gagawin dapat ni Juday sa ABS-CBN ang seryeng “Someone to Watch Over Me” kasama sina Richard Yap at Diether Ocampo pero hindi ito natuloy dahil sa hindi inaasahang muling pagbubuntis ni Juday.  Ang titulo ng bagong serye ay ginamit na ng Kapuso Network para naman sa bagong TV series na pinagsasamahan nina Lovi Poe, Tom Rodriquez at Max Collins na pinamamahalaan ni Maryo J. de los Reyes at nakatakdang mapanood sa ere simula sa darating na September 5.

ANGEL, DARNA PA RIN?

GAANO kaya katotoo  ang balita na si Angel Locsin pa rin umano ang gaganap sa papel na Darna sa  movie na ididirek ni Erik Matti?  Ito umano ang dahilan kung bakit ayaw magbigay ng clue ang Star Cinema sa papalit na aktres na nag-back out sa project dahil sa kanyang back ailment.
   
Balik umano si Angel sa pagti-training para sa kanyang muling paglipad as Darna na una niyang ginampanan sa TV series in 2005 nung siya’y nasa bakuran pa ng GMA.
  
MAJA AT JOHN LLOYD: SILA NA BA?

MARAMI ang naniniwala na si Maja Salvador na umano ang ipinalit ni John Lloyd Cruz sa kanyang ex-GF na si Angelica Panganiban kung pagbabasehan ang mga posting ng dalawa na magkasama sa ilang okasyon.
   
Matagal nang break si Maja kay Gerald Anderson  at si John Lloyd kay Angelica.
   
Naging girlfriend din si Maja ng nobyo ngayon ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.
   
Bago si Maja, na-link din ang Kapamilya actor noon kina Shaina Magdayao at Ruffa Gutierrez.

KRIS, AYAW PANG MAGSALITA TUNGKOL SA NEW GMA SHOW

KAILAN kaya aaminin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na nakatakda siyang gumawa ng bagong morning daily talk show sa Kapuso Network?
   
Kamakailan lamang ay nagpaalam na sa ere ang daily morning show ni Marian Rivera, ang “Yan ang Morning” at malamang daw na ang nasabing time slot ang ibigay kay Kris ng GMA.
   
Hindi natuloy ang pagbabalik-Kapamilya ni Kris dahil wala umanong time slot na bakante sa kanya at nagri-rate umano ang “Magandang Buhay” nina Karla Estrada,  Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na siyang ipinalit sa “Kris TV” ni Kris nang siya’y pansamantalang nagpaalam sa ere due to health reasons.
   
May lumabas pang balita na isang taon lamang umano ang ibinibigay na kontrata ng ABS-CBN kay Kris  habang si Kris naman ay gusto diumano na gawing five years pero hindi umano sumang-ayon ang management.