4,927 guests

‘Jingle lang ang pahinga’

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 249

‘TIME out’ muna tayo, dear readers, sa  Bureau of Customs  (BoC) at ibang “beat”  na saklaw din ng inyong  lingkod, bagaman mananatili pa rin na “sariwa” sa ating isipan ang sumbong ng ating mga kaibigan sa  pantalan kung saan, ayon sa mga miron, “malutong” na “mura” umano at “pang-aalipusta” ang ‘dialog’ ni Comm. Nick Faeldon’ sa ilang kagawad ng media. 

Opps, teka   muna “the other beat” nga muna pala ako, hehe, kaya “tutukan” po muna natin ang Senado.

* * *   

Naikasa na ang panukalang P3.35 tril­yong badyet para sa 2017 na tumaas ng higit 11 porsiyento kumpara sa P3.002 trilyon noong 2016.
   
Ngayon pa lamang ay pinupuri na natin ang dalawang  kapulungan  dahil inumpisahan na nila ang pagtalakay ng badyet ng bawat ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang badyet ng Office of the President (OP) kung saan  tumaas ito ng sampung beses.
   
Kayo naman mga kabayan, “X10” lang ang itinaas kaya huwag naman agad tumaas ang inyong mga kilay, hehe.
     
Sa kabila nito, inaasahan natin na hindi mahihirapan si Pangulong Digong, na maipasa  ang kanyang isinumiteng gastusin dahil na rin sa malaking suporta niya mula sa Kongreso at Senado.
   
Ito ay bukod pa sa “kalakaran, err, “tradisyon,”   na kapag “bago” ang pamunuan hindi ito nahihirapan  bilang “respeto” na rin ng Kongreso sa Palasyo. Kumbaga, “ibigay ang hilig,” ayos!
     
May isang dekada na rin tayong nagkukober sa Mataas na Kapulungan at kapansin-pansin ang sipag ng mga senador sa pagpunta sa mga committee hearing at maging sa pagdalo ng session ngayong ‘17th Congress’ dahil halos kumpleto ang mga ito at higit sa lahat, tinatapos ang sesyon.
   
Kumbaga, “Jingle din lang ang pahinga nila.” Yeheyy!
   
Kung sa “kasipagan,” masasabing “walang pwedeng itapon,”  wika nga, sa mga bagong senador,  dahil nakikitaan natin ng kasipagan at aktibo ang pakikilahok sa mga  diskusyun at   may mga “punto” rin ang kanilang mga katsang, agh, sinasabi, kaya hindi puwedeng tawagin mga  ‘MEMA’ o MEMA-SABI lang, hehe.
   
Marahil dapat asahan ang ganitong ‘active Senate’ dahil mayorya sa mga Senador ay hindi mga ‘senior citizen’ o mga ‘WAPA,’ as in, WAPA “kalawang” sa katawan.

* * *   

Matagal na rin tayong walang ‘Guess Who?’ kaya...
   
Sino itong hepe ng isang departamento na nagpahiwatig  ng indecent proposal sa isa niyang tauhan?
   
And take note, Sen. Grace Poe at Susan ‘Tita Swanie’ Roces, ginawa niya ito,  not ONCE but TWICE!
   
Ang kumag, ayy,  conyo  ay madalas na nakababad sa Fifth Floor... kung anong ahensya ng pamahalaan ay bahala na kayo.
   
Ang ating “bida” ay sinasabing hindi malayong “sumalto”  sa ‘drug test’ bagaman puwede pa ring makalusot dahil sa edad niyang mahigit 50 ay sandamakmak na umano ang “tinitira” na mga “gamot” para lang matinong magawa ang kanyang mga trabaho at tuloy na “makatayo” ang kanyang... balahibo, hehehe!
   
Matapat na alagad din ito ng  “kultong dilaw.”