6,014 guests

Aljur, nangakong magbabago na ng attitude

  • Written by chi
  • Published in Showbiz
  • Read: 719

PAWANG sawi sa pag-ibig sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino at JakeVargas. Buti na lang at pinili ni Derrick Monasterio na mag-focus na lang muna sa kanyang career, kaysa mag-girlfriend. Kaya’t naiwasan niya ang maging ‘tulala’ sa presscon ng “Oh Boy!” concert kasama ang tatlong ultimate hunks ng Kapuso Network. Para sa kanilang concert ‘yun na prinodyus ng Dreamstar Events in cooperation with Blue Water Spa at GMA Corporate Communication na ginanap sa Packo’s resto.

Pagkatapos ng masalimuot na relasyon ni Aljur kay Kylie Padilla, wala na tayong nabalitaan pang pinopormahan o nililigawan niya.

Buti na lang at naging usap-usapan ang husay ng pagganap niya sa historical bio epic film, Hermano Puli na kahit indie movie ay nakatawag pansin ng moviegoers. Sinundan ito ng magagandang reviews at teleserye niyang “Once Again” kung saan naging katambal niya ang napakagandang panganay nina Lotlot de Leon at Ramon “Monching” Gutierrez na si Janine Gutierrez. Nabuhayan ng loob ang mabait na actor.
   
“Bahala na po kayo sa amin,” pakiusap niya nang hindi masagot-sagot ang tanong sa Q and A portion ng bonggang presscon. “Hindi ko po alam kung ano ang isasagot ko. Babawi na lang po ako sa concert mismo at sosorpresahin ko po ang mga manonood ng kakaibang dance moves ko.
   
“Pakikinggan ko rin po ang advice ninyo na ibalik ko sa dati ang attitude ko, para hindi kayo mahirapang isulat ako,”aniyang natawa. “Magpapahinga po muna ako sa usapang puso at baka magtuluy-tuloy na ang suwerte ko sa career.

ROCCO, ’DI SINAGOT ANG TUNGKOL KAY LOVI

HINDI naman tinantanan si Rocco Nacino ng tanong tungkol sa tunay  na dahilan kung bakit nag-break sila ni Lovi Poe.
   
“Ipo-focus ko na lang po ang attention ko sa mga manonood ng concert namin. Hindi ko po forte ang pagsasayaw, pero, with the help of my co-hunks, I know I’ll get by.”
   
Pinayuhan din si Rocco na gawing inspirasyon ang attitude ng mga bidang babae sa pelikulang “Camp Sawi” mula sa Viva Films na pinangungunahan nina Arci Muñoz, Bela Padilla, at Andi Eigenmann. Ganadung-ganado sila sa pagpo-promote ng pelikulang malapit ng ipalabas. Nakagawa in sila ng isang napakagandang project base sa mga sarili nilang karanasan sa pag-ibig. Totoong halos mabaliw sila dahil sa tindi ng kani-kanilang pagmamahal sa kani-kanilang karelasyon.
   
Natuklasan nila ang isang lugar (rehab para sa mga sawi). Naging karamay nila ang mga tulad nilang hindi maka-move on. That is despite their beauty, success, and sex appeal, eh, maling lalake pa rin lagi ang kanilang natatagpuan.

JAKE, MALUNGKOT PA RIN ANG MGA MATA

KAHIT sinasabi ni Jake Vargas na naka-move on na siya after his break-up with Bea Binene, nanatili ang lungkot sa kanyang mga mata hanggang ngayon.
   
Pinipilit niya ang kanyang sarili na i-enjoy ang pagiging “Prince of Mall Shows.” He has been winning the hearts of every crowd in all his performances
   
Hindi rin siya nawawalan ng project sa Kapuso Network. Nang maging recording artist siya, pinapalakpakan siya sa bawa’t hit records niya, tulad ng Ngiti, Kahit Umiwas Pa, Miss You Like Crazy, Basta’t Kasama Kita, When I Look Into Your Eyes, at Can You Be Mine?
   
“Ang advantage po sa akin, madali akong mag-switch into the performer that I am. Ayoko pong ma-disappoint sa akin ang co-hunks ko. Kapag naghubad sila, maghuhubad na rin po ako,” seryosong sabi niya.
   
Marami nga po ang nagtatanong sa akin kung nagseselos ako kay Derrick Monasterio dahil sila ang magka-love team ni Bea sa hit serye nilang ‘Hanggang Makita Kang Muli.’
   
“Wala na po akong karapatang magselos dahil wala na po kami. Ako naman po ay magkakaroon na ng project at iba na
  
rin ang magiging leading lady ko.
   
“Gagayahin ko na lang ang attitude ni Derrick na i-focus ang attention ko sa trabaho. Tingnan n’yo po siya, masayahin at laging maaliwalas ang mukha. Walang complication sa buhay. Tinatanggap ang bawa’t dumating na suwerte. Alam ko naman na darating din ang babae para sa akin in time.”
   
Actually, iyon din ang napansin namin kay Derrick. Fresh-looking, makinis na makinis at ganadong sumagot sa mga interviews.
   
Handa na rin siyang magpaka-daring. Tulad nina Derek Ramsay, Piolo Pascual, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson.