4,462 guests

Palitan ang mga dapat palitan sa gobyerno

  • Written by Joey C. Papa
  • Published in Opinion
  • Read: 300

IpinahayAg ni Pangulong Duterte noong nakaraang Linggo ng madaling araw sa lunsod ng Davao na “all appointive positions in government are declared vacant.” Nakuha ko ang ulat na ito sa mga balitang pangtelebisyon, at pahayagan.

May ilang tumawag, nagtext sa akin na kawani ng pamahalaan ang iba nga’y mga ”job order” lang ang status dahil siya’y coterminous sa dating kalihim ng kanyang departamento nang nakaraang administrasyon.
    
”Kung mapapalitan ang aming bagong Secretary, madadamay rin ang boss naming Undersecretary dahil appointed siya at hind  career officer. Tanggal din kami,” pahayag na may kaba ng isang “job order” government employee.
    
Sinabi naman ng Malacanang sa pahayag nila sa mga pahayagan at telebisyon, sa pamamagitan ni Acting Secretary Martin Andanar na hindi raw kasama ang mga department Secretaries sa nabakanteng posisyon.
    
Ngunit malinaw ang pahayag ni Duterte na “all appointive positions…” Hindi ba’t presidential appointee ang mga cabinet secretaries? Kasama sila sa dapat ay bakantehin ang mga kanilang posisyon.
    
Pakiliwanag nga ang bagay na ito. Parang ang nangyayari lagi ay may mga interpreter pa ang presidente sa bawat ginagawa niyang mga pahayag.
    
Kung ano ang sinabi ng pangulo, ‘yon ang sinabi niya.. Noong binawi niya ang idineklara niyang ceasefire sa CPP-NDF-NPA, malinaw naman ito at wala namang nag-interpret na mga kasama niya sa cabinet. Bakit? Malinaw kasi ang sinabing ito ni Presidente Duterte.
    
Sinabi pa nga niya na mayroon namang mga deputies ang mga pinuno ng departamento na maaaring magpatakbo muna ng kanilang kagawaran.
    
Sa ginawang pagbabakanteng ito ng Pangulong Duterte, ibig bang sabihin ay nagkamali o hindi niya nagustuhan ang pamumuno ng mga department secretaries at iba pa na mga napili niya? Maaaring totoo ito. May isa pa ngang balita akong nakuha na ang isang itinalaga niyang department secretary ay sangkot sa diumano’y isyu ng pang-aagaw ng lupa ng iba?
    
Ang isang department secretary naman ay nag-abroad agad ng mahigit isang linggo at iniwan ang kanyang departamento. Marami pa ‘umanong bitbit ito na mga Undersecretary at Assistant Secretary at mga office staff. Ang mga staff ay hindi ‘umano alam kung paano patakbuhin ang departamento kahit man lang sa mga request for a meeting ng mga organisasyong  pribado man o publiko na mahigit isang buwan nang nakatengga ang request sa partikular na cabinet secretary ito. Priotization lang ‘yan.
    
Para sa akin ay tama ang ginawa ni Pangulong Duterte na bakantehin ang mga appointive positions sa pamahalaan. Sapat na ang mahigit isang buwan upang marami nang magawa ang isang kalihim kung nakatutok lang ang isang partikular na cabinet secretary sa kanyang trabaho at hindi nag-iikot agad sa kung saan-saang lalawigan o kaya’y nagpupunta sa ibang bansa.
    
Dapat ay “maglinis muna ng bahay” ang mga department secretaries ‘ika nga. At iwasan din ang pagdadala ng napakaraming mga USecs at ASecs, na susuwelduhan na naman ng mamamayang Pilipino mula sa kanilang mga buwis.
 
Kung kailangang palitan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang mga itinalagang mga kalihim ng departamento, sang-ayon akong gawin niya ito! Karapatan niya ito. Action man si Duterte kaya dapat lamang na ang mga kasama niya sa team ay mga action person din at hindi “naglilimayon sa mga pansitan sa mga lalawigan o kaya’y sa ibang bansa.”
    
Palitan kung papalitan. Hindi na dapat magpatumpik-tumpik si PDuterte sa kanyang desisyon. Kung may korapsyon pa rin kahit bago pa lang ang mga taong itinalaga niya, dapat ngang pagpapapalitan na. Acting secretary pa lang naman silang lahat hanggang hindi pa naku-confirm ng Commission on Appointments. (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.)