4,923 guests

Enrique, box office appeal na lang ang kulang

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 636
Enrique Gil Enrique Gil

Gumagaling sa pag-arte itong si Enrique Gil.

Malaki ang improvement nito sa acting na ipinapakita niya sa mga huling linggo ng Dolce Amore, na pinagbibidahan nilang dalawa ni Liza Soberano. Mas intense ang acting niya ngayon. Obvious na inspired ang young actor lalo na't gumaganda ang special relationship nila ni Liza.

Maging sa huli nitong pelikula na Dukot ay marami rin ang pumuri sa maganda nitong acting performance. Kaya naman excited na ang kanyang fans sa gagawin nilang pelikula ni Liza. Kalat na ang balita na sisimulan na ang shooting nito pagkatapos ng teleserye. Mukhang hindi napantayan nang Dolce Amore ang tagumpay ng Forevermore, na nagpabulusok ng kanilang LizQuen loveteam. Kaya inaasahan na babawi ang kanilang kampo sa gagawin nilang pelikula.

Will his upcoming movie with Liza boost his box office appeal? Just asking...

SYLVIA SANCHEZ, PINABAYAAN NA?

Mukhang napapag-iwanan ang teleseryeng "The Greatest Love" pagdating sa publicity.

Matapos ang ingay kaugnay ng launching sa teleseryeng pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez, wala na kaming nabalitaan mula nang umere ito. Hanggang ngayon, wala pa akong napapanood na plug nito. Maging on ground promo activities nito ay wala akong naririnig.
   
Walang hype sa nasabing teleserye. Dapat nga pinu-push nila ito dahil family values ang tema nito. Bukod kay Sylvia, tampok din sina Andi Eigenmann, Arron Villaflor, Matt Evans  at Dimples Romana sa nasabing teleserye. Wala sa kanila ang maituturing na box office star. Kaya mas kailangan nila ng suporta sa promo at publicity para lumakas ang ratings nito. Kaso nga lang mukhang "good for one season" lang

ito kaya mukhang walang plano ang network na gastusan ito sa publicity.
   
Marami tuloy ang nagsasabi na mukhang pinabayaan na lang ang nasabing teleserye. Hindi ba napapansin ito ni Sylvia? Just asking...

Disclaimer:

Sadiwangmalayangpamamahayag, Malaya rinangsino man o concerned parties natinutukoy o nasusulatsakolumnnaito para saanumangpaglilinaw o karagdagangkomento at reaksyon. Mangyaringmakipag-ugnayanlamangsaJust Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.