5,266 guests

Pagcor, DepEd officials, kapit-tuko!

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 318

AKTIBO sa pagbatikos ang mga miyembro ng dilaw gang sa mga polisiya ng Duterte administration.

Ang troika nila Drilon, De Lima at Hontiveros ay wala na namang magawa sa buhay kung hindi kuwestiyunin ang agresibong kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs at ang pagpapahimlay sa Libingan ng mga Bayani kay Marcos.
   
Sila iyong mga nag-ii­ngay ngayon pero nakikipalakpak sa pang-aabuso ng lider ng kanilang yellow gang na si Noynoy sa nakaraang anim na taon.
   
Wala sigurong salamin sa bahay nila kaya hindi nakikita ang kanilang mga dungis sa pananahimik nang mangyari ang SAF44, maeskandalong Disbursement Acceleration Program, pork barrel scam ng mga dilawan, kapabayaan sa MRT, pagkamatay ng mga sundalo sa Basilan dahil sa kapabayaan ng commander in chief at ang anim na taong noynoying ng dating pangulo.
   
Hindi yata alam ng mga taong ito ang salitang delicadeza!

* * *
   
May isang appointee ang Aquino administration sa Pagcor na kapit-tuko.
   
Akala pala niya lifetime ang term kaya kahit may naitalaga na ang bagong opisyal sa kanyang posisyon ay ayaw pa rin umalis.
   
Ang balita natin, tinatarayan pa ang bagong appointee. Palibhasa’y pino at may pinag-aralan ang incoming official kaya hindi ito kumikilos until makaalis ang dating opisyal.
   
Kapal din naman ng taong ito na malapit sa isang kilala sa lipunan na mabuting tao naman.
   
Ayon sa ating source, nagpa-deliver pa ng isang drum na glue at rugby ang opisyal para idikit lang ang kanyang puwet sa upuan niya sa kanyang opisina.
   
Hoy, hindi career ang posisyon mo para maging permanente ka d’yan!
   
Sa hiya ng bagong appointee, siya na ang nagpapalipat sa ibang ahensiya para lang hindi na pagmulan ng gulo.
   
Tropa talaga kayo ng mga walanghiya at makakapal ang mukha!

* * *
   
Speaking of makakapal ang mukha, dami rin palang ganitong nagkalat sa DepEd national office sa Pasig.
   
Ayon sa ating source, may mga opisyal din d’yan na gustong manatili kahit bahagi sila ng mga tropang nanira kay President Duterte noong panahon ng eleksiyon.
   
Gumagapang ang mga opisyal na ito para maikunsidera ni Secretary Leonor Briones sa kani­lang mga dating posisyon at mairekomenda kay Preident Rody kahit ibang kandidato ang kanilang sinuportahan.
   
Anim na taon na kayong nagpakabusog sa inyong mga katiwalian, gusto n’yo pang manatili?
   
Talagang masarap pagbuhulin ang mga Pagcor at DepeEd official na ito na magpapakamatay para lang huwag matanggal sa kanilang mga puwesto.
   
Bakit, ano bang mayroon d’yan, aber?

* * *

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..