5,117 guests

Level up!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 581

Premyadong aktor, mas type tumira ng cocaine kesa shabu o ecstasy

NAKALADKAD ang pangalan ng yumaong action star na si Ace Vergel sa isang drug raid na isinagawa sa isang magarang bahay sa San Pedro, Laguna, na lumabas sa news reports kahapon. 

Ace Vergel Group umano ang pangalan ng grupo na supplier ng drugs sa showbiz at iba pang kilala at mayayamang personalidad sa labas ng showbiz.

Sa mga umaming gumagamit ng droga, ang singer na si JayR Siaboc ang unang lumantad. 
   
Sina JM de Guzman at Jiro Manio, nagpa-rehab upang makawala sa bisyo. ’Yun nga, paeklat na tumikim lang minsan pero hindi na nila ipinagpatuloy dahil ayaw nila ang epekto sa katawan.
   
Eh, hindi naman maipagkakailang ang paggamit ng drugs ng ilan sa ating artista ay para mapanatiling gising ang ulirat nila sa magdamagang taping o shooting.
   
Bukod sa shabu, nag-level up na ang iba sa tinatawag na ecstasy habang ’yung gusto ng mas matindi ay cocaine ang tinitira, huh!
   
Itong huli raw ang type na type ng isang premyadong aktor.
   
Pero sana, itong pagdawit sa patay nang aktor sa grupong ni-raid ay magkaroon ng linaw lalo na’t aktibo pa sa showbiz ang sister niyang si Beverly Vergel, huh!

* * *

BIYAHE sa Hong Kong ang bonus sa production staff ng Sunday PinaSaya sa first anniversary ng GMA Sunday program.
   
Sa Lunes ang biyahe nila lalo na’t plantsado na ang mga magaganap sa anniversary presentation sa September.
   
Matatandaan na sa unang telecast ng SP, ang American Idol runner-up ang naging special guest ng programa.
   
Since then, binago ng show ang Sunday viewing habit kaya namayagpag na ito sa ere.
   
Ready na ang venue ng SP anniversary. Hindi muna sila maglalabas ng mga special guest na invited kaugnay nito.
   
Pero ang sigurado, tatatak ito sa televiwers at non-stop ang fun and excitement sa bawat segment.

* * *

FINAL telecast na ngayon ng Yan Ang Morning ni Marian Rivera. Siyempre pa, ang asawang si Dingdong Dantes ang special guest niya lalo na’t nataon sa birthday ng asawa ang guesting niya, huh!
   
Bukod sa pagpapakilig sa fans nila ni Yan, magpapatikim din ng luto si Dong. Pero siyempre, exclusive lang sa asawa niya ang tinatawag na “luto ng Diyos.”    Malay natin, magkaroon sila ng “lutuan” tonight bilang pagtupad sa wish ni Yan na more babies to come, hahaha!
   
Ngayong babu na sa ere ang YAM, mahaba-habang oras ang maigugugol ni Marian kay Baby Zia habang si Dong naman ay tutok sa bagong GMA show na Alyas Robinhood. 
   
Nanamnamin muli ni Yan ang anak bago sumabak sa bagong programa bukod sa Sunday PinaSaya.
   
Happy, happy birthday, Yan!