6,393 guests

Vaness del Moral, natatakot lumabas ng bahay?

Vaness del Moral Vaness del Moral

DUMARAMI na ang natatakot at naiinis sa karakter ni Vaness del Moral sa telefantasya ng GMA na Encantadia. Kaya naman minsan daw ay natatakot ng lumabas ng bahay si Vaness dahil sa dami ng nagagalit sa kanyang karakter bilang Gurna na siyang nag-uudyok para maging masama si Pirena.

At kahit daw maraming fans ang nagagalit sa kanya, taos-puso siyang nagpapasalamat dahil napapansin nilang epektibo ang kanyang pagganap sa role. "Thank you so much guys dahil nabubuwisit kayo sa 'kin. Actually natutuwa ako. 'Pag pinapanood ko 'yung character ko natatawa ako. Isang beses pa lang akong pumupunta sa mall simula nung mag-start 'yung “Encantadia”, para mag-grocery pa 'yun.

Nang aming tanungin kung handa na ba siyang kagalitan ng fans kapag nakita nila si Vaness in person. “Actually hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Hindi ko sure kung paano ko siya iha-handle kaya so far, bihira talaga ako lumabas ng bahay lalo na kapag wala akong kasama. Usually kasama ko boyfriend ko para may magtatanggol sa 'kin," ayon sa aktres.

Kakai Bautista, may pinatatamaan?

LAHAT tayo, may iba’t ibang experience pagdating sa love. Kaya naman marami ang nagtataka sa magkasunod na tweets ni “Conan My Beautician” star Kakai Baustista tungkol sa pagmamahal na tila ba isang love lesson para sa kanya.
   
Ayon sa kanya, magkaiba daw ang ibig sabihin ng “mahal kita” at “in love ako sa’yo.” Sa kanyang Twitter account, mapangahas na pinost ni Kakai na: “Talagang appreciative lang ako. d ako nag aaksaya ng panahon para d ipakita na mahal kita.pero magkaiba yung mahal kita sa inlove ako sayo.”

John Arcilla, may mga bagong recruit para sa Hathoria

SA painit nang painit na istorya ng Encantadia, umatras sa digmaan ang Hathoria dahil masyadong malakas ang kapangyarihan ng tatlong Sang'gre ng Lireo laban sa brilyanteng hawak ni Pirena. Dahil dito, tila dinala ni Kapuso actor John Arcilla, na siyang gumaganap bilang si Hagorn, ang kanilang pagkatalo at tila gumawa ng paraan upang lumakas ang kanilang hukbo. Sa kanyang Instagram posts, makikitang dumayo sa mga mundo ng tao ang batikang aktor upang magre-recruit siya ng mga miyembro ng kanilang kaharian. Aniya, “Lahat sila para sa HATHORIA!!! Atayde Hathoria!!!”
   
Kapana-panabik ang pagtatagpo ng mga Sang’gre sa Encantadia mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Direk Maryo J, umalma sa pagtrato sa talent niyang si Gold Azeron

PAREHONG bida sina Allen Dizon at Gold Azeron sa Cinemalaya entry ni Direk Vic Acedillo, ang “Lando” at “Bugoy”. Tama lang na ang pangalan nila’y maging top billing na above title. Naalarma ang manager ni  Gold na si Direk Maryo J. delos Reyes nang makitang may nagtakip sa pangalan ni Gold sa poster sa exhibit ng entries sa may gilid ng Little Theater ng CCP.
   
Ayon sa director,  palagay niya’y may nakialam sa poster, at  may ’di magandang intention.
   
Wala sa Manila si Direk Maryo J noong Sunday dahil out of town ang taping ng bagong soap niya, ang “Someone To Watch Over Me”. One week ang taping ng grupo sa Vigan, Ilocos Sur kung saan bida sina Lovi Poe, Tom Rodriguez at Edu Manzano.
   
Para sa amin, pinakamagandang pelikula ng 2016 Cinemalaya ang “Lando” and “Bugoy”. Di katakataka na  punumpuno ang gala premiere  sa CCP Main theater. Hindi rin nakapagtataka kung ma-nominate o magka-award dahil sa movie sina Allen at  Gold sa awards night ng Cinemalaya 2016.
   
Ayon kay Direk Vic, ang Lando at Bugoy ay hango sa tunay na buhay. 

Sexy policemen, gigiling sa ‘Happinas Happy Hour’

NAKAKASABIK ang opening number ng Happinas Happy Hour ng TV 5 sa Friday dahil naiiba naman ang opening number ng show dahil ang magpapasigla ng dugo ang mga sexy policemen sa kanilang naiibang dance number. Kabilang dito ang sikat na si pulis ngayon sa showbiz na sina Neil Perez at Don Mcgyver  na makakasama sina  Margo Midwinter at  Empoy Marquez, gayundin ang TV 5 youngstars na sina Mark Neumann at Shaira Mae.
   
Ang nakakatuwang theme sa opening number ay tungkol sa kulungan. Makakasama rin ang sexy actress na si Roxee B.
   
Tampok ang pangunahing host ng show na sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs sa portion na STEPI Kerry. Samantala, ang Man of the Year Philippines 2016 na si Karan Singhdole ang guest para manghula kung sino ang totoong bakla sa portion na Bekihula.

Kate Brios,  positibo sa kaso laban kay Roi Vinzon

UMAASA ang kampo ni Kate Brios na magiging pabor sa actress-producer  ang libel case na isinampa ng actor na si Roi Vinzon.  Pagkatapos ng pelikulang Maria Labo, nakatapos ng dalawa pang pelikula si  Kate,  ang Tiniente Gimo at ang ToFarm Film Festival entry ni direk Vic Acedillo, ang  Kakampi kung saan leading lady siya ng bidang si Neil Ryan Sese.  Ang  bagong pelikula ni Kate ay ang  Toyang Ermitanya na  ipapalabas sa September. Ang Toyang movie ay directed by Ronald Sanchez. Comedy satire ang Toyang na  all-star cast.
   
Ayon sa lawyer ni Kate na si Atty.  Reinhard  C. Sanchez, nakaapat na hearing na sa kanilang kaso sa Regional Trial  Court  ng San Fernando, Pampanga.  Dalawang beses nang nag-appear si  Kate sa hearing.  Kaya nagkita muli sila ni Roi sa korte.
   
Samantala, ang tatlong kaso ang isinampa naman ni Kate laban kay Roi sa Bacolod City na patuloy pa ring naghi-hearing.  May kaugnayan ito sa estafa.
   
Umaasa si Kate  na nakausap namin sa cast party ng  “Toyang Ermitanya”  na  positive siyang  papanigan ng korte.

Newcomer Laurence Mossmann, makakasama ni Lea Salonga sa musical play

PROMISING actor na si Laurence Mossmann, talent ng Psalmstre president na si Jaime Acosta. Bukod sa  lumalabas na ito sa isang series ng ABS CBN 2,  nakakasama pa ito ngayon sa  musical stageplay ni Lea Salonga na malapit nang simulan sa RCBC Auditorium sa Makati.
   
Na-discover ni  Mr. Acosta si  Laurence sa isang party nang kumanta ang binatang half Pinoy, half New Zealander. Mother ni Laurence ay Pinay kaya kitang-kita ang Pinoy blood niya  sa kanyang hair at pag-uugali na sobrang magalang.
   
Sa New Zealand, family of singers sila doon. May kapatid din siyang nag-aartista na ngayon sa Hollywood.  Mas pinili ni Laurence na pumunta sa bayan ng kanyang ina.
   
Si  Laurence at ang  young actor na si Karl Aquino, na produkto ng Mr. and Miss Olive C ng Psalmstre last year ang kasalukuyang bagong talents ni Mr. Acosta.
   
Endorser din ang dalawa ng New Placenta for Men at ang Olive C cologne.