4,792 guests

Pakikipagdedmahan kay Jake, inamin ni Andi

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 378

... aktres, lusut-lusutan ang tingin sa dating dyowa

Mga sawing babae ang role nina Bela Padilla, Arci Muñoz, Kim Molina, Yassi Pressman at Andi Eigenmann sa pelikulang Camp Sawi ng Viva Films at N2 Productions kaya lahat sila ay nakaka-relate dahil in real life, naranasan na nila ang masawi sa kani-kanilang ex-boyfriend.

In real life, paano nga ba sila naka-move-on?
   
“Ako po, three years ako umiyak,” pag-amin ni Bela sa grand presscon ng Camp Sawi held last Tuesday night.
   
“Matagal po ako mag-move-on kasi madamdamin akong tao, wow! Hindi, ayun, very sentimental kasi ako, eh. Matagal ako bago maka-let go siguro, kaya ayun, medyo natagalan ako mag-move-on, three years.
   
“Sa three years na ’yun po, buti na lang, tuluy-tuloy ang trabaho ko, nagte-taping ako everyday, so, hindi ko siya naiisip kaya siguro, hindi rin ako naka-move on, kasi hindi ko nabigyan ’yung sarili ko ng time na umiyak or pag-isipan kung paano ako magmu-move on. Nagtrabaho ako nang nagtrabaho.
   
“Tapos ’yun, parang nawala na lang siyang mag-isa. Wala akong ginawang specific na masyado,” dagdag ni Bela.
   
Ayaw sabihin ng young actress kung sino ang guy tutal naman daw ay pareho na silang naka-move-on. As we all know, Bela is happy with boyfriend of four years Neil Arce, co-producer sa Camp Sawi.
   
According to Yassi naman, she realized na hindi pwedeng madaliin ang pagmu-move-on tulad ng nangyari sa kanya.
   
“’Yung sa akin po, feeling ko, kaya ko nang maging masaya agad (after the breakup), kaya lumabas ako agad, nag-meet kami ng friends ko, magdi-dinner kami.
   
“Masaya kapag kasama ko sila kasi ayokong mag-isa. Pero pag-uwi ko sa bahay, iiyak ko rin ang sarili ko hanggang sa makatulog. Tapos, paggising ko, maaalala ko na naman kasi, inisip ko kagabi.
   
“Kaya feeling ko, after nu’n, mas okay din na maramdaman mo ’yung sakit, tapos, magsawa ka rin do’n sa pain para ready ka na ulit na maging masaya,” sabi ni Yassi.
   
Si Kim naman, timing naman daw na nang maghiwalay sila ng BF niya, nagsimula na rin ang comedy musical na Rak of Aegis, kung saan ay isa siya sa performers kaya naging busy siya.
   
“Ayun, hindi ko na lang siya napansin, pero iyak din, iyak din nang todo. Iniyak ko na lang saka kinanta ko na lang,” sey ni Kim.
   
Si Arci naman, natagalan din daw bago naka-move-on sa first boyfriend.
   
“Siguro four or five years din bago ako nakapag-move-on. Tapos alam mo ’yun, akala mo nakapag-move on na, pero hindi pala kasi ’pag may makikita kang, kunyari picture niya, iiyak ka na naman.”
   
Asked kung si Kean Cipriano ang first love na ’yun, say ni Arci, hindi.
   
Si Andi, na napaka-colorful ng lovelife, nagsabi namang she has really moved on from her ex-boyfriend na alam naman nating si Jake Ejercito.
   
“Binaling ko ’yung atensyon ko sa iba talaga. Parang I traveled a lot, I focused on ’yung activities na matagal ko nang gustong gawin pero hindi ko nagagawa nu’ng kami. Para iba naman.
   
“Parang nag-build ako ng parang sarili kong panibagong world para sa sarili ko na hindi siya kasali.
   
“Kasi siyempe, ’di ba, parang ang tagal na kayo ’yung magkasama palagi? So, parang isa lang ang mundo n’yo. Kahit anong bagay ang gawin mo, maaalala’t maaalala mo siya, eh.
   
“Eh, parang out of sight, out of mind, naniniwala ako du’n sa ganu’n, so, parang the less na ginagawa mo ’yung mga bagay na nagpapaalala sa ’yo sa kanya, mas madali kang makakapag-move-on,” pahayag naman ni Andi.
   
Ang ikinagulat lang ng press, hindi raw sila in speaking terms ni Jake ngayon, ’di tulad dati. At kung magkita man daw sila o magkasalubong, lusut-lusutan na lang ang tingin niya sa dating dyowa.
   
Anyway, 10 days kinunan nang walang uwian sa Bantayan Island, Cebu, ang movie dahil ito ang nagsilbing “camp” ng mga babaing sawi. Dito ay nakapag-bonding nang husto ang limang girls at naka-create ng friendship.
   
Kasama rin si Sam Milby sa movie bilang camp facilitator, Jerald Napoles and in camero roles na ex-bf ng limang girls ay sina Dennis Triilo, Tonton Gutierrez, Rico Blanco, Alex Medina at Bret Jackson.
   
Mula sa direksyon ni Irene Villamor, Camp Sawi is showing on Aug. 24.