4,305 guests

‘Skiptrace’ ni Jackie Chan, wagi sa Chinese box-office

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 353

PUMALO  na naman sa takilya ang pinakabagong pelikula ni Jackie Chan.  Tinalo ng Skiptrace ang ibang bigating movies tulad ng The Legend of Tarzan at ang Japanese animation Doraemon: Nobita and the Birth of Japan sa Chinese box-office nitong nakaraang linggo. 

Sa kanyang opening day sa China noong July 21, humakot ito ng $14.7 million at kapag pinagsama-sama ang kinita nito sa unang apat na araw, ito ay aabot sa $60 million.  Sinasabing ito ang “highest debut of Chan’s 50-year career,” kung saan nakagawa siya ng mahigit 150 pelikula.
   
Si Jackie Chan ay gumaganap bilang Bennie Chan, isang Hong Kong detective na may isang dekada nang sinusubaybayan ang crime lord na si Victor Wong.  Samantala, ang inaanak niyang si Samantha (Fan Bingbing mula sa X-Men: Days of Future Past) ay nadawit sa sindikato ni Wong.
   
Nang malaman ni Bennie na may kinalaman ang isang American gambler na nagngangalang Connor Watts (Johnny Knoxville mula sa MTV’s Jackass movie trilogy) sa problema ni Samantha, dagdag pa rito ang hawak nitong importanteng impormasyon para tuluyang makasuhan si Wong, ginawang misyon ni Bennie na dalhin si Connor sa Hong Kong.
    
Inisa-isa ni Jackie Chan ang mga pinuntahan  nila:  Russia, Mongolia, Inner Mongolia, Guangxi, Macau at Hong Kong.
   
Ayon sa kanya, “The most memorable location for me would be Inner Mongolia and Guangxi, because of their unique costumes and traditions.”
   
Ngunit higit pa sa mala-travelogue na feel nito, ang pelikula ay tungkol sa “friendship and honor.”
   
Pinaka-memorable na eksena para kay Jackie Chan ang muntik na niyang pagkalunod. 
   
“I was on a raft with Johnny and I was supposed to fall into the river and pretend I didn’t know how to swim… The river was very rough and I nearly got myself drowned,” kwento niya.
   
Compelling story, adrenaline pumping action and multi-layered characters, kasama na ang breathtaking scenery, ilan lamang ’yan sa ipinagmamalaki ng Skiptrace na mapapanood na bukas (August 10) sa mga sinehan. Handog ito ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment.