4,616 guests

Um-exit!

Yassi Pressman Yassi Pressman

Okay lang kay Judy Ann Santos kung sakaling hindi na talaga matutuloy ang serye nila ni Richard Yap sa ABS-CBN na Someone to Watch Over Me. Dapat sana ay last year pa nagawa ang teleserye pero dahil nga sa nabuntis si Juday sa youngest nila ni Ryan Agoncillo ay pansamantala itong na-shelve.

Ang unang plano ay hihintayin na lang daw si Juday hanggang sa makapanganak ito at ready na. The actress has given birth six months ago pero mukhang naiba na ang plano tungkol sa serye’t tila hindi na nga ito matutuloy.

For Juday, wala namang problema if ever na hindi na talaga pwedeng ituloy lalo pa nga’t ginamit na ng GMA-7 ang titulong Someone to Watch Over Me starring Lovi Poe na ieere na this month.

“Kasi, parang nabantilawan na rin ’yung project and I believe, the title alone, ginamit na sa iba. So, it’s really okay, you know. Everything happens for a reason,” say ni Juday.

Kung talagang magkakatrabaho naman daw sila ni Richard in the future ay pwede rin namang bagong istorya kaya wala raw problema sa kanya.
   
Maging si Richard ay agree na talaga raw namali lang sa timing ang soap nila pero wish pa rin daw niya na magkasama sila sa isang project, hopefully soon.

* * *

Nabasa namin sa Instagram ang pasasalamat ni Yassi Pressman for being a part of Pinoy Big Brother Lucky 7. As we know, um-exit na sa PBB house ang young actress in last Friday’s episode kaya nasa outside world na siya ngayon, so to speak.
   
“I’ve come out a bigger dreamer, a stronger human being, and an even more sensitive person. I am so thankful for the opportunity to go into Kuya's house, despite all the hardships, when there was no food, and nowhere to sleep, and with difficult challenges, I could only be stronger with my housemates.
   
“I've gained some amazing friends, and come out with more than I could imagine. Mas pinapa-halagahan ko na ang lahat ng bagay at tao sa paligid ko, and I am so excited to share more. Sobrang salamat Kuya. Salamat Pinoy Big Brother. Salamat din sa lahat ng sumuporta. Mahal na mahal ko kayo! Hello, Philippines, and hello worldddd!” ang pasasalamat ni Yas sa IG na ipinost ng ABS-CBN.
   
Timing na timing naman ang paglabas ni Yassi dahil nasa promo time na ngayon ang pelikula niya sa Viva Films na Camp Sawi na malapit nang ipalabas.
   
At least ay makakatulong siya sa promo since matatandaang bigla na lang siyang pumasok sa PBB habang isinu-shoot pa ang movie at kinailangang gumawa ng paraan ng direktor sa remaining days ng shooting na wala na siya.
   
Pero say naman ni direk, bago pumasok si Yassi sa PBB ay natapos na nito lahat ng major scenes nito sa Camp Sawi at mga minor scenes na lang ang natira na madali namang gawan ng paraan.