4,671 guests

Angeline, hirap umangat bilang artista

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 687
Angeline Quinto Angeline Quinto

MUKHANG hirap itong si Angeline Quinto na pagsabayin ang acting at singing.

Sadyang may mga singer na hindi talaga nagiging successful sa pag-arte. Pero dapat versatile din ang isang singer. Para ‘pag walang singing engagement, pwede ring rumaket sa mga teleserye at pelikula.

In fairness, isa si Angge sa mga singer na kayang gawin ito. ‘Yun nga lang, hindi siya gaanong pumapatok sa pagiging aktres. Bumida na siya noon sa kanyang sariling teleserye ngunit mukhang hindi naging maganda ang resulta sa ratings nito kaya ‘di ito nasundan. Ilang pelikula na rin ang nagawa pero ‘di rin tumatak ang kanyang mga naging performance. Sa kabila nito, nabibigyan pa rin siya ng mga movie project. Isa na rito ang upcoming movie niyang ‘That Thing Called Tanga Na’ mula sa Regal Films. Based on initial feedback, maganda raw ang performance dito ng Birit Queen.

Bobongga na kaya ang acting career ni Angeline dahil sa nasabing pelikula?Just asking...

 ALBERT, TAHIMIK LANG OR HAPPY BEING SINGLE?

ISA si Albert Martinez sa mga aktor ng kanyang henerasyon na in-demand pa rin hanggang ngayon.
   
Maganda ang takbo ng kanyang career. Dahil na rin sa kanyang husay at galing sa pag-arte. Sa katunayan, laging markado ang mga karakter na ginagampanan niya.
   
Gaya na lamang sa ‘Ang Probinsyano’ kung saan panalo ang kanyang pagiging kontrabida. Mapa-bida o kontrabida, nagiging effective ang portrayal niya kaya hindi siya nawawalan ng project. Gayunpaman, sobrang tahimik naman ang kanyang lovelife. Hanggang ngayon, wala pa tayong nababalitaan na nali-link sa kanya. Patunay na one and only love niya talaga ang kanyang yumaong wife na si Liezel Martinez.
   
Wala na nga bang balak muling mag-asawa itong si Albert? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.