4,650 guests

Juday, ayaw umasang makakabog si Guy

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 501

‘Babaing Humayo,’ lalaban sa Venice filmfest

Marami ang natutuwa sa pagiging aktibo ni Charo Santos-Concio sa limelight matapos magretiro bilang president at CEO ng ABS-CBN last January. 

Though, may bago siyang posisyon as executive adviser to the chairman, chief content officer and president of the ABS-CBN University, mukhang mas magaan ang work niya at may time for other things, kabilang na ang pagbabalik sa showbiz.

Tinanggap niya ang offer na indie (independent) film ni Lav Diaz na Ang Babaing Humayo na balita namin ay ilalaban sa Venice Film Festival.
   
Tumanggap din siya ng endorsement, ang Sun Life Financial at napapanood na nga ngayon ang TVC nila nina Piolo Pascual, Matteo Guidicelli at Judy Ann Santos.
   
Ngayon naman, nag-release siya ng commemorative album ng Maalaala Mo Kaya in celebration of its 25th year, ang MMK Life Songs, kung saan siya mismo ang namili ng mga kanta at bawat kanta ay may parte siya sa interlude, either “reflection” or narration.
   
May isa ring track na kasama siyang kumanta ng  apong si Julia Concico at ni Piolo Pascual, ang Sana.
   
Ayon kay Charo, ang pagbabalik ng kanyang showbiz career ay bigla na lang nangyari.
   
“The offer of Lav Diaz came in a dinner. Tinanong lang niya ako kung gusto ko pa bumalik sa acting. Tapos, sabi ko, ‘well, if I find the character interesting, why not?’ Two days after, ’yun, he sent me the synopsis of an idea,’” pahayag pa ni Charo.
   
Tungkol naman sa pag-awit niya with Piolo and Julia sa album, biro niya, “Pagbigyan n’yo na ako ng tatlong linya, alam n’yo namang frustrated singer ako.”
   
Ang album ay naglalaman ng 13 tracks and its first single is the recently released Desiderata, a poem originally written by Max Ehrmann and translated into Filipino by Enrico Santos.
   
It features the TBUP choir kasama ang OPM icons tulad nina Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Ogie Alcazid, Zsa Zsa Padilla at Sharon Cuneta.
   
Ayon pa kay Charo, noon pa niya dream na magkaroon ang drama anthology ng souvenir album.
   
Kasama rin sa album ang mga kantang Handog nina Aiza Seguerra at Noel Cabangon at Iingatan Ka ng mag-inang Janella Savador at Jenine Desiderio.
   
Also part of the album are Charice and Jed Madella, Darren Espanto, Jona, Juris, Kyla and KZ Tandingan.

* * *

Aminado si Judy Ann Santos na may takot siyang sumali sa Cinemalaya Film Festival this year.
   
“Well, siyempre, kasi, alam naman natin na ’pag sinabing Cinemalaya, labanan ito ng mga baguhan at mahuhusay na direktor. Mga talagang gustong magpakita ng talento nila.
   
“Para hintayin ako ng isang script na 10 years ago nanalo sa Palanca, parang malaking pressure na ’yun, una. Pangalawa, mahuhusay na artista ang katunggali mo. Kasama mo si Miss Nora Aunor (for Tuos), ang dami namin,” pahayag ni Juday sa tsikahan after the special screening of Kusina last Tuesday na ginanap sa Director’s Club Cinema ng SM Megamall.
   
“Pero more than anything, ang pinakamalaking factor dito is nagawa ko siya nang sapat sa deadline namin, malaki man ang waistline ko, naihabol ko naman ’yung tahi ko, hindi siya bumuka habang nagbi-breakdown ako, ’di ba?” natatawa pang sabi ng aktres.
   
Ang Kusina ay mula sa panulat ni Cenon Palomares at nanalong grand prize sa 56th Don Carlos Palanca Memorial Awards in Literature in 2006.
   
Si Cenon na rin ang nagdirek ng pelikula kasama si David Corpuz.
   
Sinasabi ngang sila ni Ate Guy ang magiging mahigpit na magkalaban for best actress, pero ayon kay Juday,  hindi siya talaga nag-i-expect na manalo.
   
“Ang importante para sa akin ay naitawid ko nang maayos ang pelikula, nagawa ko siya, hopefully, worth it ’yung paghihintay sa akin ng produksyon and at the same time, being able to do this film alone with the best directors and the best cast and the best production staff is more than an award for me.
   
“So, okay na ako ro’n, makahilera ko ulit si Ms. Nora Aunor sa pagiging best actress, for me, that’s more than okay,” she said.
   
Magsisimula ang 12th Cinemalaya Independent Film Festival bukas, Aug. 5, at magtatapos sa Aug. 14.
   
Ang Kusina ay magkakaroon ng 25 screenings at ang first screening will be on Aug. 6, 10 a.m., sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
   
Ayon kay Noel Ferrer, isa sa producers, sold out na  ang first screening.