5,393 guests

Vice Ganda, pababa na nga ba?

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 684
Vice Ganda Vice Ganda

HINDI maitatanggi na hot item pa rin si Vice Ganda.

Sinasabi kasi ng kanyang critics na laos na raw ang Phenomenal Star. Totoo na nabawasan na ang kanyang kasikatan kumpara noong kainit-initan ng kanyang career. Pero unfair na sabihing laos na siya.

Wala nang dapat patunayan pa ang Unkabogable Star pagdating sa kanyang career. Sa ngayon, mataas pa rin ang ratings ng kanyang shows na “It's Showtime” at “Gandang Gabi Vice”. Umabot nga ng limang taon ang huli. Patunay na tinatangkilik pa rin siya. Ngayon, patok ang guesting niya sa “Ang Probinsiyano”. At may bago pa itong book  - "President Vice: Ang Bagong Panggulo" - na balitang malakas ang sales. Ito ba ang laos? Lately, hindi na siya mapagpatol sa social media kaya hindi na siya laging trending. Marahil ito ang basehan ng iba kaya nila nasasabing laos na siya. Nag-mellow na rin siya sa kanyang mga joke. Ang importante ay nagiging mature na itong si Vice. At least, may improvement.

Samantala, patok pa rin ang tambalan nila ni Coco Martin. Matatandaan na hawak ng kanilang pelikulang Beauty and the Bestie ang record bilang highest grossing movie of all time. Kaya ba nilang i-break ito sa susunod nilang pelikula? Just asking...

MUTYA NG PILIPINAS, WALANG PAGBABAGO

GANIEL Akrisha Krishnan is crowned as this year's Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International.
   
Her thoughts on inner beauty sets her apart from the other finalists in the question and answer portion. Nakalulungkot na pababa na nang pababa ang kalidad ng performance ng ating mga beauty queen pagdating sa question and answer portion.
   
May isa pa nga na nagkaroon ng mental block. Dahil ito sa sobrang tensyon at kaba.
   
So, it's really unfair to measure their intelligence based on their Q & A performance.
   
Undoubtedly, Mutya ng Pilipinas is one of the country's prestigious beauty pageants.
   
Pero sa tagal na nito, mukhang napag-iwanan at napaglumaan na rin ito ng panahon. Walang bago sa presentation nito. Bagaman "millenial" ang tema nito, hindi naman ito na-highlight sa look ng coronation night.  Fashion forward daw ang tema nung opening number pero obvious naman na kinopya lang. Di ba't yun ang pinauso ng Victoria's Secret sa mga fashion show nito? Luma rin ang ginamit na kanta sa long gown competition at top 10 serenade. Maging ang gown designs na isinuot ng top 10 finalists ay old designs na rin. Sabi nga ng pamangkin kong teen, "The entire look of the pageant was not so millenial." Yung pagdi-DJ ni Tom Taus lang ang nakita kong  millenial element sa show. Gayunpaman, saludo kami sa Mutya ng Pilipinas organizer sa patuloy nitong pagtataguyod sa beauty pageant. At siyempre, sa Viva - kay Boss Vic Del Rosario.
   
Totoo nga bang ginagawa na lang training ground ng mga sumasali sa Binibining Pilipinas ang Mutya ng Pilipinas? Just asking...
   
Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.