7,602 guests

Bumalik

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 470

Piolo, napikon sa LizQuen fans

Personal assistant, sinisi ni Piolo sa pag-post ng photo nila ni Iñigo

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik sa Regal Entertainment ni Piolo Pascual after 14 years. Nagkaroon na ng contract signing, look test, story conference at pocket presscon ang aktor last Sunday sa Valencia mansion ni Mother Lily Monteverde.
   
Titled Once In A Lifetime na ididirihe ni Dondon Santos, 50% of the film will be shot in New Zealand. Tatlong kumpanya ang magkakasosyong magpu-produce nito, ang Regal Films, Spring Films kung saan ay co-owner si Piolo at ang Star Cinema.
   
For Papa P’s leading lady, si Yen Santos ang first and only choice ng produksyon at ni Direk Dondon. Humarap din sa pocket presscon ang young actress with the rest of the cast na sina Tirso Cruz III, Jerald Napoles, Joel Torre and child actor Raikko Mateo.
   
Sina Piolo, Yen, Raikko and Jerald ang magsu-shoot sa New Zealand. First batch will be leaving on Aug. 13 and the second batch leaves on Aug. 15. Playdate is yet to be announced.
   
Sa presscon, excited na excited at masayang-masaya si Mother Lily dahil matagal na raw niya talagang gustong gumawa ulit si Piolo sa kanyang produksyon. His first movie under Regal was I Think I’m In Love with Joyce Jimenez 14 years ago.
   
Piolo is equally happy na makagawa ulit siya sa Regal at say nga niya, matagal din daw nila itong plinano.
   
“Masaya po ako kasi I have always wanted to work with Mother (Lily). And after I think I’m In Love which is 14 years ago, sabi ko talaga, babalik po ako sa Regal. And now that we’re here, parang nakaka-surreal, nakaka-overwhelm because at least, you know, in this business, iikot at iikot lang naman po tayo,” sey ni Papa P.
   
Si Yen naman na first time makakapareha si Piolo ay nagpahayag na hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang napili to be the actor’s leading lady.
   
“Sobrang surreal na nandito po ako sa harap ninyo at gagawa ako ng pelikula kasama ang nag-iisang Piolo Pascual. Hindi po talaga ako makapaniwala na mangyayari ‘to at sobrang laki ng pasasalamat ko talaga kay Direk Dondon at sa Regal na pinagkatiwalaan po ako para ibigay itong napakagandang project na ito. Sobrang laking opportunity po nito para sa akin,” she said.
   
Aminado rin si Yen, just like any other female actresses, crush din niya si Piolo at isa sa dream leading men niya talaga.
   
Kaya nga say ni Yen, bagay na bagay daw ang title ng movie para sa kanya dahil once in a lifetime lang daw talaga ang ganitong pagkakataon sa kanyang career.

* * *

After the presscon ay nakatsikahan pa namin ulit si Piolo at dito ay napag-usapan naman ang mga pamba-bash na natatanggap niya lately sa social media.
   
Una ay dahil sa larawan nila ng anak na si Iñigo Pascual na magkayakap na binigyan ng malisya at ang pangalawa ay dahil sa nasabi niya tungkol kay Liza Soberano na naging dahilan para i-bash siya ng LizQuen fans.
   
Tungkol sa larawan nila ni Iñigo, ayon sa aktor ay pinagalitan niya si Moi (his long time personal assistant) na siyang nag-post ng photo.
   
“Piniktyuran niya (Moi) kami, pinost niya, siyempre, nag-react ng mga tao, sabi ko, ‘ikaw kaya mag-explain’ kasi parang ako, wala naman akong papatulan sa ganyan. It’s just that parang ’yung mga tao talaga, you’ll feel bad for this people na...  ganyan ba talaga kadumi ang isip ng mga tao?
   
“Nakakalungkot, eh.”
   
Pero ikinatutuwa naman ni Piolo na may mga tao ring magaganda ang comment sa photo at ipinagtanggol sila.
   
“Nakakatuwa na aside from these people endlessly bashing, may mga tao ring magaganda ang puso. Kaya nu’ng nirepost ko ’yun, nakita ko rin talaga na mayroon pa ring magagandang puso na hindi mo kailangang mag-dwell sa mga negatibo kasi ’yon ’yung mga taong walang magawa. All the more na kailangan kang magdasal for grace, for patience, kasi may mga ibang bagay na makakapagpasaya sa atin kaysa ‘yung mga ganu’n,” pahayag ni Piolo.
   
Pero ang talagang ikinapikon daw niya talaga ay ang mga pamba-bash ng LizQuen fans sa kanya na karamihan ay below the belt.
   
“Napikon ako sa LizQuen (fans), ’yung mga fans na inaaway ako, kasi mayroon akong sinabi about Liza. Sabi ko, it was just taken out of context. Kasi tina-tag ako sa Instagram.”
   
Ano ba talaga ang exact words niya?
   
“Sinabi ko na parang gusto ko si Liza (na makapareha) pag 20 na, or 21 na. Sabi ko I’ll wait. Siyempre, gusto kong maka-partner ’yung dalaga pero sabi ko, I don’t want to talk about it, I don’t want to drag them to my interview, kasi, may sarili naman sila, eh.
   
“Pero ’yung mga fans, below the belt. Sabi ko, I talked to their handler yesterday, sabi ko, “can you please tell them, baka iniisip nila ginagamit ko sila or you know. Parang itong mga tao, siyempre, ita-tag ka sa Instagram and you know, by chance mababasa mo. Parang kilala n’yo ba ako para sabihan n’yo ako ng ganito?”
   
Ipinagdadasal na lang daw niya talaga ang mga taong ito and as much as possible talaga ay ayaw niyang patulan kahit minsan, sa sobrang grabe ay gusto na raw niyang tawagan ’yung basher.
   
Pero talagang pinaiiral na lang daw niya ang pagiging kalmante dahil mahirap ding magpadalus-dalos na baka pagsisihan niya sa huli.