4,820 guests

Angel, pasimpleng umatake kay Jessy

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 1003

Hindi gaya ni Lovi Poe na itinangging patama niya kay Jessy Mendiola ang pagpu-post niya ng kanyang legs at hita at tinawag na “Pata,” si Angel Locsin ay nanatiling tahimik sa akusasyon na patama rin kay Jessy ay pagpu-post niya ng kanyang seksing mga hita. Ang caption ni Angel sa picture ay “Luma -- I love Life.”

Kahit may mga nag-akusa kay Angel na simple lang siyang magparinig at bitter siya kay Jessy dahil ito ang ipinalit ni Luis Manzano sa kanya, na patolera rin siya, dedma si Angel.

Tuloy ang shooting nito ng Star Cinema movie na Third Party at pagwu-workout sa social na Kerry Sports na nasa Shangri-La Mall sa The Fort.

* * *

Nagsimula nang mag-taping si Conan Stevens sa Encantadia at may nakita kaming picture nina Conan at Rochelle Pangilinan at may picture pang kasama si Sunshine Dizon hanggang kilikili lang ni Conan ang dalawa. Ang laking tao talaga nito.
 
Ang sabi, isang Sapiryan si Conan sa Encantadia at mapapasubo sa matinding fight scenes na inaabangan ng Encantadiks at mga nakapanood kay Conan sa season one ng Games of Thrones.
 
Hindi pa sinasabi kung kailan ang labas ni Conan sa Encantadia at kung ano ang magiging pangalan. Ang nabanggit lang ni Director Mark Reyes, ang role niya ay ang dating role na ginampanan ni Benjie Paras sa original Encantadia.
 
Samantala, Tuesday sa Encantadia na ang episode title ay Ang Paghi-himagsik ni Pirena, nagka-roon ng agam-agam si Pirena (Glaiza de Castro) sa pagkampi sa Hathoria, pero madali siyang napaikot ni Hagorn (John Arcilla) sa sinabing mas dapat siya ang reyna ng Lireo.
   
Hiningi nina Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia) at Danaya (Sanya Lopez) ang basbas ni Imaw sa nalalapit na labanan. Bibigyan sila ng Adamyan ng bagong gayak pandigma. Magsisimula na ang digmaan ng Lireo at Hathoria.

* * *

Hatid ng Sari Sari Channel 3 sa third quarter ng taon ang mga orihinal na katha ng Viva Communications at TV5.
   
Umeere na ang teen-horror serye na Ang Kwarto sa May Hagdanan. Tampok sina Andrew Muhlach, VJ Marquez, Mayton Eugenio at Aubrey Caraan as VJ and Andrew’s love interest. Napapanood ito ng 9 p.m., every Saturday.
   
Next to air ang light sexy-drama series na Wives of House of no. 2 kung saan apat na magkakaibigang kabit ang nagtayo ng underground cafe upang ang mga kagaya nila ay puwedeng mag-celebrate ng Valentine’s Day at iba pang okasyon. Mga bida sina Antoinette Taus, Sarah Pagcaliwagan, Phoemela Barranda at Katya Santos. Kung hindi this August ay sa September ang airing nito.
   
Sa August o September  ang airing ng Where Is Franco, isang horror-mystery na isasadula ni Julius Gareza na naiulat na nawala nang maglaro ng taguan. After ilang years, babalik ang kaluluwa nito para maghiganti sa mga kalaro. Tampok sina Issa Pressman, Arkin del Rosario, Kiko Ramos, Kenzo Ortiz, Cliff Hogan at Angelica Yap.