5,658 guests

Coco, enjoy sa pagtatanim ng talong

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 717

GUESS who just turned farmer, Ian F., living up to the title of his top series Ang Probinsiyano? 

Si Coco Martin, that’s who. He bought a farm pala in an undisclosed province at nakapagtanim na siya ng kung anu-anong gulay tulad ng okra, talong, pipino, ampalaya, etc. 

He makes sure that all his tanim na gulay are organic.

Someone, too, who just bought a farm is Bea Alonzo. Located daw ang nabanggit na farm sa Iba, Zambales kung saan meron ding farm sina Cesar Montano at Isabel Rivas.
   
Ang mommy daw niya, ayon kay Bea, ang namamahala ng farm na nabili niya.

* * *

Busy uli with work si Bea kahit na at the same time ay ipinu-promote nila ni Gerald Anderson ang kanilang still showing na movie, How To Be Yours.
   
Nagsisimula na siyang mag-taping for the series, The Second Wife, co-starring her with Ian Veneracion at Iza Calzado for the first time.
   
First time niya ring makatrabaho si Jerry Sineneng as director, in the same way na naidirek din siya ni Dan Villegas for the first time in How To Be Yours.

* * *

Guess uli, Ian F., what Kris Aquino, Heart Evangelista, Joross Gamboa, Vina Morales and sister Shaina Magdayao have in common.
   
Well, bagong lipat sila sa kani-kanilang bagong bahay.
   
We will choose not to have the locations ng kanilang mga bagong tirahan undisclosed, though.
   
Well, for obvious reason.

* * *

Sayang at wala si Gloria Sevilla when her film, Kusina, with Judy Ann Santos, is shown sa 2016 Cinemalaya Independent Filmfest.
   
As a common knowledge, naospital si Gloria nang aksidenteng mahulog siya sa hagdanan ng kanyang bahay.

Possible nga daw na maoperahan pa siya dahil may crack yata ng buto na nakita ang kanyang doctor sa kanyang tagiliran.
   
Kusina is Judy Ann’s first film after makapanganak siya sa kanyang bunsong si Luna.
   
Judy thinks she needs to lose weight muna bago siya sumabak sa ibang project. Na ang isa, hopefully, will reunite her with Piolo Pascual.
   
Juday and Piolo, together with former ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio and Matteo Guidicelli, endorse Sun Life Financial’s latest campaign program dubbed Money for Life.
   
By the way, in Kusina, Judy Ann, aside from Gloria, is co-starred with Joem Bascom and Luis Alandy.
   
Both Joem and Luis are happy and challenged with having gotten the chance to work with Judy Ann, na pareho daw nilang ina-idolize as an actress.
   
Between them nga pala, nakasama na ni Joem si Judy Ann sa isang series in 2010,  Habang May Buhay.