5,716 guests

Mariel, inililihim ang gender ng anak

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 263
Mariel Rodriguez Mariel Rodriguez

ALAM na ni Mariel Rodriquez ang gender ng kanilang magiging unang supling ng mister niyang si Robin Padilla pero gusto niyang sorpresahin ang mister hanggang sa araw ng pagsilang ng bata.

Natutuwa si Robin na nakikita niyang masaya ngayon si Mariel lalupa’t balik sa pagiging buong muli ng samahan nila nina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales sa paghu-host ng “PBB: Lucky Seven” na magsisimulang mapanood ngayong July 11. Kabilang din si Mariel sa noontime show na “It’s Showtime”.

Si Mariel ay dalawang beses nagkaroon ng miscarriage noong isang taon kaya sobra itong na-depress. Bukod sa unang beses siyang nakunan, triplets ang ikalawang miscarriage nito.

Para maalagaang mabuti at kumapit nang husto ang ipinagbubuntis ngayon ni Mariel ay tinuturukan ito ng gamot apat na beses sa loob ng isang araw.

ANDI, GOOD GIRL NA SA PAGBABALIK-TV

BALIK ang Viva at Kapamilya actress na si Andi Eigenmann sa paggawa ng TV series. Kasama siya sa bagong teleserye na “The Greatest Love” na pinangungunahan ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez.

Balik din siya sa pagiging good girl ng kanyang character bilang isa sa mga anak ni Sylvia sa serye.
   
Bukod kina Sylvia at Andi, tampok din sa “The Greatest Love” na isang family drama sina Dimples Romana, Matt Evans at Arron Villaflor na gumaganap na  iba pang mga anak ni Sylvia.
   
It took her two years bago makagawang muli ng isang teleserye.
   
Si Andi ay huling napanood sa fantaseryeng “Dyesebel” in 2014 na pinagbidahan ni Anne Curtis kasama sina Gerald Anderson at Sam Milby. 
   
Si Andi ay kasama sa indie movie na “Ma’Rosa” na pinagbidahan ng kanyang inang si Jaclyn Jose na nanalong best actress sa recently-concluded Cannes International Film Festival.

ANAK NI PACQUIAO, BAWAL MAG-ENDORSE NG ALAK AT SIGARILYO

PRODUCT endorser na ang anak ng mag-asawang Sen. Manny Pacquiao at misis nitong si Jinkee Pacquiao, ang 15-year-old na si Emannuel Pacquiao. Ito ay para sa Bench at Blue Water Spa and products.
   
Guwapo ang panganay na anak nina Sen. Manny at Jinkee kaya hindi kataka-takang kunin itong celebrity endorser tulad ng kanyang boxing hero-turned politician dad.
   
Malamang daw na pasukin na rin ni Emmanuel ang pag-aartista na sinubukan din noon ng kanyang ama. Pero mas nakatuon umano ngayon ang kanyang attention sa pag-aaral.
   
Namana rin ni Emannuel ang pagiging generous ng ama dahil matapos matanggap nito ang kanyang talent fee sa endorsement ay agad umano nitong ipinag-shopping ang kanyang mga pinsan at malalapit na kaibigan.
   
Samantala, sinabi ni Sen. Manny na bawal sa kanyang anak ang mag-endorse ng alak, sigarilyo at casino dahil sa kanilang pagiging Christian.

BANGS, IKAKASAL NA NEXT YEAR

IKAKASAL na sa January 2017 ang Viva actress na si Valerie ‘Bangs’ Garcia sa kanyang Filipino-British fiancé na si Lloydi Birchmore. Nakatakda itong ganapin sa Boracay kung saan sila unang nagkakakilala at kung saan din nag-propose si Lloydi kay Bangs in January this year.
   
Sa halip na sa London sila manirahan, baka sa Pilipinas na rin sila mag-base pero magpapabalik-balik si Lloydi ng London kung saan naroon ang kanyang trabaho bilang property developer.
   
Very supportive kay Bangs ang fiancé sa kanyang showbiz career at pagiging painter.
   
Gusto umano ni Lloydi na magkaroon sila ng bahay sa Pilipinas at maging sa London.

RUFA MAE, IKAKASAL NA MATAPOS MAWALA SA ‘BUBBLE GANG’

ANG isa pang inaabangang wedding sa taong ito ay ang kasal ng sexy star na si Rufa Mae Quinto sa kanyang Filipino but San Francisco- USA-based fiancé na si Trevor Magallanes. Nakatakdang ganapin ang kanilang kasal sa Blue Leaf Pavilion in Quezon City.
   
Wala pang petsa na sini-share ni Rufa Mae sa publiko pero ito’y mangyayari anyday soon.
   
Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang family at mga kaibigan ni Trevor for the grand wedding nila ni Rufa Mae.
   
It was in February this year nang i-share ni Rufa Mae ang kanilang engagement ni Trevor sa San Francisco, California, USA na dinaluhan ng pamilya at close friends ni Trevor.
   
Speaking of Rufa Mae, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtataka kung bakit biglang nawala ang sexy singer-comedienne sa long-running gag show ng GMA, ang “Bubble Gang” considering na isa siya sa mga original cast ng programa.

PIOLO AT HAYDEN TAHIMIK NA PUMUNTANG ENGLAND

TAHIMIK sina Piolo Pascual, Dr. Hayden Kho at actress na si Jodi Sta. Maria sa kanilang paglipad patungong England para sa isang special study on Christian Apologetics sa Oxford University, isa sa mga kilalang unibersidad ng England.
   
Sina Piolo, Hayden at Jodi ay pare-parehong may strong faith sa kanilang pagiging Christians.

SARAH, GUSTONG BUMALIK SA PAG-AARAL

ANG isa pang nagbabalak bumalik sa pag-aaral ay ang Pop Princess na si Sarah Geronimo who is taking a two-month leave from showbiz due to her health.
   
Hindi pa alam kung ano ang kursong kukunin ni Sarah pero malamang na isa itong special course tulad ng ginawa niya noon na nag-aral ng dancing sa Amerika para ma-enhance ang kanyang skills sa pagsasayaw.

ARNELL, ITINALAGA NI DIGONG SA PAGCOR

HINDI nasayang ang ibinigay na suporta ng singer-comedian-host na si Arnell Ignacio sa kampanya ni Pres. Rodrigo ‘Digong’ Duterte dahil binigyan si Arnell ng isang posisyon na malapit sa kanyang profession, ang pagiging AVP for community relations and services department ng PAGCOR na pinamumunuan ni Chairman Andrea Domingo.
   
Nagpapasalamat si Arnell kay Pangulong Digong at nangakong gagawin niya ang kanyang makakaya para hindi siya mapahiya sa posisyong ipinagkatiwala sa kanya.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.