6,924 guests

Si Viceo na ang video-karera king sa Maynila!

  • Written by Marlon Purificacion
  • Published in Opinion
  • Read: 305

CHANGE is happening na sa lungsod ng Maynila!

Kung dati’y si Gina G. ang operator ng video-karera sa lungsod, ngayo’y isang alyas Viceo na taga-Bulacan ang naghahasik ng lagim.

Sinasabing pulitika ang dahilan kung bakit pinalitan ang VK operator ng lungsod. Sa halip kasing si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang kampihan nito sa nagdaang halalan, pumanig daw ito kay dating Manila Mayor Alfredo Lim.
   
Balita ko, umiiyak ngayon ang kampo ni Gina. Itinatanggi raw nito na kumampi siya kay Lim dahil hindi na raw niya kailangang makisawsaw pa sa pulitika lalo na’t naging matagumpay ang kanyang illegal na operasyon sa mga nakalipas na taon.
   
Pero ang katwirang ito ay hindi umubra sa kampo ni Erap.
   
May tatlong linggo na ngayon, gabi-gabi nang hinuhuli ang mga makina ni Gina.
   
Kung mapapansin sa mga naglalabasang balita sa radyo at telebisyon, kasabay sa pagkumpiska sa mga makina ng video-karera ay ang paghuli naman sa mga nag-iinuman sa kalsada.
   
Wala tayong tutol dito. Kasi, ang alam natin ay panimulang sigwada na ito para sa tinatawag na ‘change is coming’ ng papasok na Duterte administration.
   
Ang kaso, ang pagbabago palang nagaganap sa lungsod ay pagbabago lamang ng VK operator.
   
Ibig sabihin, ang operator lamang ang papalitan pero iyon pala tuloy pa rin ang ligaya ng video-karera.
   
Eto ang catch. Kung bina-bargain na ngayon ang mga shabu sa merkado, ito namang si Viceo ay namamakyaw na ng makina ng VK mula sa kanilang probinsiya sa Bulacan hanggang sa Quezon City.
   
Kaya raw kasi nitong maglagay ng hanggang 2,000 VK machines para matustusan ang malaking ‘tongpats’ na hinihingi ng taga-City Hall Detachment.
   
Ga’no naman kaya katotoo ito, Manila Action and Special Assignment (MASA) commander Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr.?
   
Ang balita ko, kada isang makina ngayon ay nagkakahalaga ng P7,000 kung gamit na, pero ang brand new ay aabot naman sa halagang P12,000. Etong si Viceo ay namimili ng barat pero maramihan. Ang presyo raw nito ay P5,000 kada isa.
   
Katwiran ng kumag, wala na ring makaga­gamit nito sa Maynila kasi siya lamang ang binigyan ngayon ng basbas kaya nga pati mga pulis na operator ng video-karera ay naghahanap na rin ng koneksiyon patungo sa hangal na si Viceo.
   
Ang bodega ni Viceo ay nasa lugar na sakop ng MPD Station 7 at tanga na lang ang mga taga-Intel kung hindi nila ito alam!
   
Ang mabigat dito, kung nagawang palayasin ang mga makina ni Gina, ang makina naman ng ilang pulis na nagmamantini rin ng VK machines ay nilalagpasan lamang ng mga awtoridad.
   
Iyan ang malinaw na halimbawa na iba ang tinitingnan sa tinititigan!

Ano sa tingin mo, SPO2 Antonio “Bong” Cruz?

* * *   

Umpisa na ng araw ng klase kahapon pero ang mga buwitre sa kalye ay tuloy pa rin ang ginagawa nilang pangungotong.
   
Tulad na lang sa Recto, corner Benavidez sa nasabing lungsod. Kabi-kabila ang kotong ng mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
 
Mayor Erap, boss. Pakitanong nga po ang mga traffic enforcer na sina Rivera at Mendoza kung gawain ba nila ang mangotong sa kalsada o hindi!
    
May ganitong ‘koto­ngan’ din kasi ang nagaganap sa Mayhaligue at Bambang.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.