First teleserye ni Carmina Villarroel sa ABS-CBN ang Lorenzo’s Time with Zaijian Jaranilla and Diether Ocampo na iere sa primetime slot once na magtapos na ang Budoy.
Proud and happy si Mina na primetime agad ang ibinigay sa kanya plus kasama pa niya ang child superstar na first time niyang makakatrabaho.
Bukod pa ito sa Showbiz Inside Reports talk show niya every Saturday with Janice de Belen, Joey Marquez and Ogie Diaz.
Cute na cute si Mina kay Zaijian at puppy nga ang tawag niya sa bagets.
“Ang cute-cute ni Zaijian, para siyang puppy, kasi ’yung mata niya nakaganu’n (nakakaawa), kaya ang cute-cute talaga niya,” say ni Mina nang makatsikahan ng press sa photo shoot ng Lorenzo’s Time.
Bale ba, leading man ni Mina si Zaijian dito at triangle silang tatlo ni Diet.
Asked kung paano ipaliliwanag ito sa istorya, aniya, ito ang dapat abangan.
“Paano nangyari? Kasi magkakasakit si Santino at mananatili siyang bata, eh, ako tumanda kaya ganu’n. Basta abangan ninyo,” say pa niya.
Sa tsikahan, napag-usapan na naman ang dati niyang asawang si Rustom Padilla na ngayon ay BB Gandanghari na.
Natanong kung kilala ba ng kambal niyang anak ang ex-husband at ayon sa nagbabalik-Kapamilyang aktres, hindi.
“Hindi, eh. Kasi parang hindi naman nila tinatanong, hindi ko rin kasi ipinapakilala din lahat ng mga artista, ’di ba? So, siguro ’pag nagtanong na lang sila (Maverick at Cassy) kung sino siya, eh, ’di sasabihin ko kung sino siya.
“Of course, I have to tell my kids someday kasi naniniwala rin naman ako na you have to be honest, to be open with them in the right time, kasi siyempre, kailangan kapag okay na okay na ’yung pag-iisip nila,” Mina explained.
Hindi ba napapanood ng mga bata ang mga interview niya about BB?
“Hindi nila naiintindihan kasi Tagalog,” natatawang sabi ni Mina.
“Nakakaintindi naman din sila, pero bilang mabilis akong magsalita, sasabihin lang nila, ‘huh?’ Kasi ilang beses na rin naman nilang napanood about BB Gandanghari, they (kambal) don’t ask, eh, parang wala lang, at maski sa school nila, wala rin (nagtatanong), thank God. International School sila, eh,” sabi pa ni Mina.
Kung magkakaroon daw ng opportunity na mapakilala niya someday ang dating asawa sa mga anak, BB na raw ang ipakikilala niya at hindi na Rustom.
“Hindi na dapat kasi baka malito lang sila, parang dati ganyan, tapos ngayon ... huwag na nating ilito ’yung mga bagets, basta ’pag nagkasalubong kami sa New York, o, ’di ba, namamasyal kami sa New York, pakikilala ko, (bilang BB) wala namang problema,” ani Mina.
* * *
Binisita namin kahapon ang last taping day ng Maria la del Barrio sa Antipolo City. Next week na kasi magtatapos ang nasabing serye at say nga ng isa sa bidang si Enchong Dee, sobrang happy siya sa naging resulta nito.
“Sabi ko nga, masuwerte kami dahil unang-una, dalawang beses na itong na-extend. Pangalawa, sa mga nakikita naming teleserye, nagla-last lang ng four months, five months, matagal na ’yung six months.
“Eh, kami, halos seven months. Kumbaga, hindi naman ito hahayaan ng management na magtagal nang ganito kung wala silang nagagawang maganda for the network.
“And ’yung nilatag nga sa amin ng Star TV ang achievements ng teleserye, from online, website, Twitter, ilang beses kaming nag-trend sa Philippines saka worldwide, tapos ’yung guesting ng promo namin, nagte-trend din, tapos online, majority ng mga tao nanonood online.
“And sabi ko nga, kung noong mga earlier year, ang basehan ng (success) ng TV (show), eh, ratings, ngayon, hindi lang basta rating, eh. Kailangan mo ring makita ang impact ng Netizens, ’yung mga nanonood sa Internet,” say ni Enchong.
After MLDB, gagawa ang aktor ng movie under Star Cinema, ang The Reunion kung saan ay makakapareha niya si Jessy Mendiola kaya hiwalay muna sila ni Erich Gonzales.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 205
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 297
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 155
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 232
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 228
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more