They both think the other one is special


WALA mang tahasang pag-amin mula kay Gerald Anderson tungkol sa estado ng kanilang relasyon ng pop princess na si Sarah Geronimo, inamin ng ex-boyfriend ni Kim Chiu na espesyal sa kanya si Sarah G. at gusto niya itong makilala pa nang husto.  Hindi man sila solo nung nakaraang Valentine’s day dahil kasama ang mommy ni Sarah na si Mommy Divine at ilang kaibigan, masaya si Gerald dahil magkasama sila nito.  Sa panayam ni Boy Abunda kay Sarah G. sa “The Buzz” noong nakaraang linggo, ayaw din nitong aminin kung nanliligaw na sa kanya si Gerald pero sinabi ng pop princess na espesyal sa kanya ang binatang aktor.

Samantala, nagpaalam na si Sarah G. sa kanyang “ASAP” family last Sunday dahil simula sa darating na linggo, February 26, 8 p.m. ay mapapanood na siya sa kanyang solo musical variety show, ang “Sarah G. Live” sa ABS-CBN kung saan si Luis Manzano ang kanyang magiging co-host kasama si Gab Valenciano and the G-Force with Louie Ocampo as musical director at si Erick Salud naman ang director.

COCO, TAKOT LIGAWAN SI JULIA

HABANG tumatagal ay lalong gumaganda ang takbo ng “Walang Hanggan” kung saan kinaiinisan ang mga character na ginagampanan nina Helen Gamboa-Sotto, Joem Bascon at Melissa Ricks.  Angat na angat naman ang mga papel na ginagampanan nina Coco Martin at Julia Montes na kahit halos doble ang agwat ng kanilang edad, hindi ito halata dahil napaka-boyish ng hitsura ni Coco at si Julia naman ay mukhang matured-looking at 16.  Dahil sa “Walang Hanggan,” mukhang napag-iwanan na ni Julia ang kanyang ex-`Goin’ Bulilit,”  “Mara Clara,”  at “Growing Up” co-star na si Katryn Bernardo na napaka-nene pa rin ng hitsura hanggang ngayon.

Samantala, ayaw tangkain ni Coco na ligawan si Julia dahil sobra pa umano itong bata at parati umanong nakabantay ang lola nito.  Ayon sa award-winning actor, gusto niya munang mag-focus sa kanyang career dahil kung magkaka-giflfriend man daw siya ngayon, tiyak na magiging unfair umano siya dahil sa kanyang very tight schedule.

Sina Coco at Julia ay parehong laki sa lola.

KUYA GERMS, PATULOY TUMUTUKLAS

SA “Master Showman: Walang Tulungan” ay patuloy si Kuya Germs Moreno sa pagtuklas ng mga bagong talino sa tulong na rin ng kanyang pamangkin at isa sa mga hosts ng programa na si John Nite.

Sa tinagal-tagal na ni Kuya Germs sa showbiz, alam niyang sumipat ng mga raw talents na puwedeng tanghaling malalaking stars balang araw tulad na lamang sa nangyari noon sa kanyang 10-year-old youth-oriented program na “That’s Entertainment” sa GMA na pinagmulan ng malalaking stars sa kasalukuyan.

Ang teen actor na si Jake Vargas ay isa sa mga discovery ni Kuya Germs sa “Walang Tulugan.”

DEREK, LILIPAT NA?

MAGI-EXPIRE na ang kontrata ni Derek Ramsay sa ABS-CBN sa buwang ito at may mga kumakalat na balita na lilipat umano sa ibang studio ang hunk actor at kasintahan ni Angelica Panganiban.

Kung dati-rati’y sunud-sunod ang mga TV projects ni Derek sa bakuran ng ABS-CBN, ngayon ay matagal-tagal na rin siyang bakante. Pero klinaro ng boyfriend ni Angelica na kung saka-sakali man daw na lumipat siya ng TV network, hindi ito dahil sa pera kundi dahil sa projects na kanyang gagawin.  Last TV project niya sa ABS-CBN ang “Magkaribal” and that was two years ago pa.  Mabuti na lamang at may dalawang hit movie siyang ginawa, ang “My Other Woman” with Anne Curtis at Cristine Reyes at “Praybeyt Benjamin” with Vice Ganda.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 205
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 296
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 155
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 231
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 227
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC