MALILIGWAK tiyak ang ka-loveteam ni Julie Anne San Jose na si Elmo Magalona ngayong todu-todo na ang buildup na gagawin sa kanya ng GMA Network. Bukod sa paglabas sa Party Pilipinas, pelikula sa GMA Films, heto’t pumirma na rin ang young singer sa GMA Records at ilalabas na ang solo album niya sa Mayo.
“Ay hindi naman po. Si Elmo naman po, since ka-loveteam ko siya, parang bonus na rin po. I think it’s time to have my own album naman,” sey ni Julie Anne sa contract signing niya kamakalawa.
Wala pang final line-up ng songs ng album niya pero ayon sa kanya, “I would love, too, na makasama ko si Elmo sa album.”
Kasama sa album ang dalawang compositions niya at merong three covers. Paano na ang akting career niya?
“Gusto ko ring pong mag-akting. Nabuhay po kasi ako sa music. Kumbaga, bata pa lang ako, kumakanta na ako. Okey naman po. Okey din akong mag-acting,” sey niya.
Eh, sa gagawin nilang movie ni Elmo, meron ba silang kissing scene?
“Hahaha! Kung ano po… kung nasa eksena po talaga, gagawin po namin,” sagot ni Julie Anne.
Love ba niya si Elmo?
“Hahaha! Bakit ganoon po ang tanong? Kasi wala pa po sa isip ko ang bagay na ’yan. Turning 18 pa lang po ako,” rason niya.
Ayaw ba niyang maging boyfriend si Elmo?
“Hindi naman po sa ayaw. Hindi pa po ako talaga handa and this is not the right time to fall in love,” katwiran niya.
Bakit naman?
“Kasi po, bata pa po ako. Siyempre, focus muna sa work at career,” tugon ng young singer.
Hindi man handa si Julie Anne na magkaroon ng boyfriend, wala sa crush niya si Elmo dahil mas kinikilig siya kina Dennis Trillo, Richard Gutierrez at Dingdong Dantes, huh! JUN NARDO
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 203
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 294
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 155
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 229
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 227
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more