Carmina asks for a different time slot


MAY nakapagbulong sa amin na mismong ang magandang actress-TV host na si Carmina Villarroel ang humiling sa ilang executives ng ABS-CBN na huwag itatapat ang show na E-Live nila ni Janice de Belen sa Paparazzi ng TV5, kung saan isa sa mga host ay ang kanyang asawang si Zoren Legaspi.

We heard kasi na ang unang balak talaga ng E-Live, every Saturday pa rin at gagawing mas maaga kesa dati at matatapat ang oras sa 1:30 pm.

Kaso, nu’ng malaman nga raw ni Carmina na every Saturday na ang Paparazzi, na dating napapanood tuwing Linggo, nag-request daw si Carmina na huwag pagtapatin ang show nilang mag-asawa.

Tama lang ang hinihiling  ni Carmina bilang respeto kay Zoren at sa nanay-nanayan niyang si Cristy Fermin. 

Ang problema, pagbigyan naman kaya siya ng   ilang makasariling mga diyus-diyosan  sa ABS-CBN?

If ever na hindi pagbigyan ang pakiusap ni Carmina, ano kaya ang gagawin niya?

* * *

PUMANAW na ang  pinakamamahal na ina ng “nawawalang” showbiz  personality na si Via Veloso.

Binawian ng buhay ang mother ni Via na si Melinda M. Catilogo sa edad na 57 dahil  sa stage 4 breast cancer. Si Via mismo ang nag-balita sa amin thru text  message  na namatay na ang kanyang ina noong Feb.18 ng gabi.   

Ayon pa kay Via, masayang nalulungkot siya sa pagkamatay ng kanyang ina. Masaya siya dahil natapos na rin ang paghihirap at pakikipaglaban ng ina sa sakit na breast cancer.

“Napakatapang at napakatatag ni Mommy sa pakikipaglaban niya sa kanyang sakit. Tanggap niya ‘yun, pero pilit niyang pinaglalabanan. Ako nga ang naaawa sa kanya at nahihirapan sa kanyang kalagayan, pero siya pa ang nag-bibigay ng katatagan sa akin,” kuwento ni Via.

Kahapon  ng hapon, Feb. 21, nai-cremate na ang kanyang ina sa St. Peter Funeral Homes sa Quezon Avenue.

*  *  *   

Speaking of Via Veloso, halos walong taon na ang nakakaraan mula nang ‘maglaho’ siyang parang bula.  Wala man lang nakabalita kung saan siya nagpunta at kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan. Natsismis tuloy na nalulong siya sa droga kaya naghihirap na siya.  Pinabulaanang lahat ’yun ni Via, at isa ang inyong lingkod sa makapagpapatunay na hindi nasadlak sa ipinagbabawal na gamot ang aktres.

Sa eight years na “pagkawala” niya showbiz, paminsan-minsan naman siyang nagiging guest sa ilang TV shows.

Bihira na kasi ang pelikula noon kung saan siya nakilala. Aminado si Via na hindi na kasing-rangya noon ang kanyang buhay ngayon. 

Pero hindi siya nanghihinayang sa kung ano ang mga nawala sa kanya dahil lahat naman ng ’yun, naibigay niyang suporta sa ina.

Ngayong wala na raw ang kanyang mommy, nagbabalak siyang mag-concentrate na ulit sa pag-arte. And she hopes, mabigyan ulit siya ng pagkakataon dahil mahusay naman siyang umarte, noh!



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 202
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 293
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 154
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 229
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 226
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC