Nancy, Hayden frequently spotted together?


AYON sa Paparazzi nu’ng Sabado, balik-Pinas na si Dra. Vicki Belo, mula sa Los Angeles. Kinumpirma rin ito ng kanyang anak na si Crystalle.

Nagpalipas daw ng sama ng loob si Dra. Vicki dahil sa hiwalayan nila ng dyowang si Hayden Kho, na ang itinuturing dahilan ay ang dating aktres na si Nancy Castiglione na may asawa na ngayon.

Hindi raw kasi naniniwala si Dra. Vicki na magkaibigan lang ang dalawa. Wala mang ebidensiya, may woman’s instinct siya na nagkakamabutihan ang mga ito.

Katunayan nu’ng Valentine’s Day ang ka-date ng doktora ay ang kanyang dalawang anak na sina Crystalle at Direk Quark Henares.

Hindi man tahasang sinasabi ng dalawang anak ni Dra. Vicki na natutuwa sila sa naudlot na kasal ng ina kay Hayden, masaya ang mga ito dahil magkakapag-concentrate na si Dra. Vicki sa kanilang business.

Hindi naman mamatay-matay ang isyung Hayden at Nancy dahil malimit daw napagkikita ang dalawa na magkasama.

May nakakita diumano si Hayden sa condo building na tinitirhan ni Nancy sa Salcedo Village, Makati.

Last Thursday naman daw, namataan si Hayden sa Antel Building sa may Ortigas kung saan ‘yun daw mismo ang lugar na pinagtatatrabahuhan ni Nancy, ang Amstel Financial Services.

Kahit marami ang naghaka-haka na may relasyon ang dalawa, consistent naman si Nancy sa pagsasabing friends lang sila ni Hayden at very strong ang samahan nila ng kanyang non-showbiz husband.

Hmmm… Totoo naman kaya? Eh, hindi ba’t may kasabihang kapag may apoy, may usok? ‘Yun na!

* * *

NAGING masaya ang press visit sa noontime show ng Dos na Showtime, ng bagong officers ng PMPC. 

Ultimong si Vice Ganda, bumati at nagpa-interview pa kahit sandali.

At sa maikling interview namin kay Vice, nabanggit niyang malaking responsibilidad para sa Showtime ang tapatan ang longest running noontime show ng GMA7 na Eat Bulaga.

“Time effort lahat kami dito. Kanya-kanyang contribution para lalong mapaganda ang show,” tsika ni Vice.        That day, hiningan namin ng reaksiyon si Vice sa tsikang mawawala na sa ere ang show niyang Gandang Gabi Vice.

Say ni Vice, hindi naman siya nanghihinayang dahil babalik din naman daw ito.

“Actually, 13 weeks lang talaga siya, eh. Pero marami ang nagkagusto sa programa namin, kaya na-extend ito nang na-extend,” say ni Vice.

Kaya naman tinutukan namin last Sunday ang supposed to be finale episode ng GGV.

First guests niya si Kim Chiu na kuwelang-kuwela nang kumanta ng Whitney Houston song, na sinundan ng singers na sina Bugoy, Marcelito at Jovit Baldovino.

Naaliw din kami sa guesting ng bagong Kapamilya na si Iza Calzado. Talagang nakipagharutan siya kay Vice at nag-boobs jump pa sa comedian-TV host.

Maging si Sarah Geronimo, nag-enjoy sa pang-ookray ni Vice, lalung-lalo na kapag nababanggit ang bagong show ni Sarah na may patungkol sa ex-dyowa niyang si Rayver Cruz.

Pinatunayan din nina Sarah at Vice na walang “away” sa kanila. Nabalita kasing ang show ni Sarah ang ipapalit sa show Vice kaya marami ang nag-react at pilit silang pinag-aaway.

Bago matapos ang show, teary-eyed na nagpaalam si Vice, kaya naman marami ang naiyak din sa audience.

But, surprisingly, biglang kumambiyo ang GGV host at buong ningning na sina-bing tuluy-tuloy pa ring mapapanood ang show tuwing Linggo.

Dito na naiyak sa tuwa si Vice, dahil hindi raw mahindian ng management ang mga mensaheng natatanggap na ‘wag tanggalin sa ere ang GGV, lalo na raw ang TFC subscribers.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 202
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 293
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 154
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 228
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 226
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC