Back-to-work na ang kaibigan naming si Katrina Halili dahil kasama siya sa My Beloved nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na una na niyang nakasama sa Marimar.
“Parang inuulit lang namin ang Marimar. Pero this time, mas okey na kami ni Marian. Dati kasi, hindi kami okey. Sa siyam na buwan tumakbo sa ere ang Marimar, ganoon din katagal hindi kami nag-uusap. Not until matapos na ang show, saka lang kami nagkausap nang maayos at nagkapatawaran,” kuwento ni Katrina.
Ngayon, okey na okey na sila, although hindi daw sila best of friends, pero mas maayos na ang samahan nila sa trabaho. Huling nagkontrabida si Katrina kay Marian sa Darna pero hindi rin sila masyadong nagkausap dahil may pinagdaraanang mga problema si Katrina that time.
“Happy na ako may work uli. Tapos na ang mga pag-e-emote ko nang libre. Magpapabayad na ako sa mga pag-iiyak ko, ’di ba? Hahaha!” natatawa niyang tsika.
“Ayoko nang may mga panahon na masayang. Hindi na tayo bumabata. Kaya heto trabaho na ulit.”
* * *
Present si Dolly Ann Carvajal sa Paparazzi last Saturday sa Broadway Centrum, Q.C. kaya marami ang naghintay sa pagkikita nila ni Zoren Legaspi.
Bago magsimula ang show, magka-katabi sa harap ng stage sina Cristy Fermin, Zoren Legaspi, Ruffa Gutierrez, Mr. Fu at Dolly Ann.
Ibinuko naman ni Mr. Fu bago magbalita ng kani-kanilang showbiz tsika ang barkada, na nu’ng magkita-kita sila sa dressing room ni Zoren, lahat daw ay binati ni Zoren maliban kay Dolly Ann.
Pero agad namang nagsalita si Zoren, habang katabi si Dolly Ann, na wala siyang sama ng loob sa co-host at masaya siya dahil present ang unija hija nang namayapang Queen of Showbiz Talk Show na si Inday Badiday.
Tumayo pa si Zoren, nilapitan si Dolly at nagbeso-beso ang dalawa.
Tanging nasabi ni Dolly Ann na hindi na siya magsusulat ng commercial ng gatas.
Pinatunayan lang nina Zoren at Dolly Ann na magkaibigan pa rin sila at walang dahilan para masira ang kanilang samahan bilang hosts ng Paparazzi.
Nasabi rin ni Zoren na lately, wala siyang pasabog sa Paparazzi dahil madalas daw noon, si DJ Mo ang source niya.
Naikuwento rin ng aktor na priority niya ang kanyang pamilya kaya isinantabi muna niya ang pangarap na maging direktor dahil malaki ang oras na kinakain ng pagdidirek.
“Nandiyan lang naman ang pangarap ko sa pagdidirek. Family muna tayo kasi mabilis lang ang panahon at mga bata pa ang kambal ko,” say ni Zoren.
Every Saturday, 1:30 pm na mapapanood ang Paparazzi sa TV5, sa Broadway Centrum.
* * *
Hindi pa rin masabi ni Bing Loyzaga, sa bonggang launching ng bagong shows ng TV5, kung nagkabalikan na sila ni Janno Gibbs.
Kahit ilang ulit siyang tinatanong ng press, makailang ulit din niyang sinasabi na friends at okey sila ni Janno.
Pero hindi niya masagot kung nagkabalikan na sila.
Tahimik lang daw ang buhay nila ngayon at lagi raw silang magkasamang pamil-ya sa dinner at sa Australia.
Pero open naman daw si Bing sa anumang susunod na kabanata sa kanyang personal na buhay.
Hindi naman daw siya naghahanap ng lalaki dahil wala pa raw siyang nakikitang magiging kapalit ni Janno.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 202
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 293
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 154
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 228
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 226
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more