Zaijian now plays a rich kid


WALA pa si Carmina Villarroel nang umalis kami kahapon sa pictorial ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Lorenzo’s Time, dating Frozen Boy, na pinagbibidahan din nina Gina Pareño, Diether Ocampo at Zaijian Jaranilla, kaya hindi namin naitanong sa aktres kung anong pakiramdam na finally, meron na siyang teleserye sa ABS-CBN.

Ayon sa production staff the Lorenzo’s Time, na-traffic si Carmina kaya na-late ito ng dating. Hindi na namin siya nahintay, pero nag-stay ang ilang press para mainterbyu siya.

Light drama ng Lorenzo’s Time ayon kay Diether. Interesting ang story nito na tatakbo sa isang bata na inilagay sa “freezer” dahil may sakit, pero nu’ng magising ito, bata pa rin ang istura kahit 40 years old na.

For the first time, gaganap na rich boy si Zaijian kaya tuwang-tuwa siya. Matatandaang sa Noah, isang Unta ang si Zaijian at isang palaboy na pulubi naman sa katatapos lang na Ikaw Ay Pag-ibig.

“Mayaman po ako dito kaya magaganda ang damit ko, pang mayaman din,” pagmamalaki pa ng batang aktor.

Sa Noah, si Piolo ang kasama ni Zaijian, pero ngayon ay si Diether naman. Ipinakumpara namin sa bata kung sino sa dalawa ang masarap na katrabaho.

“Pareho lang po. Pareho rin silang mabait at guwapo,” tugon niya.

Si Jerome Pobocan ang direktor ng Lorenzo’s Time na ipalalabas na ngayong Marso.

* * *

NAG-RENEW ng kontrata si Johan Santos sa Star Magic nu’ng Biyernes. Kasama niya ang kanyang manager ng pinirmahan niya ito.

Naisip noon ni Johan na lumipat sana sa ibang TV network pero hindi ito natuloy. “In time, alam ko rin naman na mabibigyan ako ng magandang role at break ng ABS-CBN. Willing naman akong maghintay,” pahayag ng aktor.

Bukod sa pag-arte, pinasok na rin ni Johan ang commercial world. Maganda ang feedback sa latest TV commercial niya sa Skyflakes kung saan ibinigay niya ang kanyang first suweldo sa kanyang ina.

“Masuwerte ako kasi ako ’yung kinuha nila for Skyflakes. Ang laki rin ng naitulong sa akin ng commercial na ’yon,” kuwento pa niya.

Last week, nag-shoot ulit ng bagong TVC si Johan kasama ang isang sikat na actor-TV host para sa isang mouthwash. “Support lang ako do’n, pero blessing pa rin ’yon,” kuwento pa niya.

Katatapos lang mag-taping ni Johan for Okatokat 2 and MMK. Magkakaroon din siya ng special appearance para sa isang primetime TV series ng ABS-CBN



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 202
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 293
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 153
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 228
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 226
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC