MATAGAL-tagal ding nanahimik si Dina Bonnevie sa isyung umano ay relasyon ngayon ng dati ni-yang asawang si Vic Sotto kay Pauleen Luna.
Para kasi kay Ms. D,wala yata siya sa lugar para mag-komento pa sa kung ano’ng isyu ngayon kay Vic at kay Paulene dahil labas na nga siya kung sino man ang babaing mahal ngayon ng ex-husband.
Pero nitong Sabado sa Caught By Cristy segment ni Cristy Fermin ng Paparazzi, napilitang magsa-lita si Ms. D sa pag-kakasangkot ng kanyang da-lawang anak na sina Danica at Oyo Sotto dahil tutol daw umano ang mga ito sa Vic-Pauleen love affair.
“For me, I’m happy for Vic. Kung sino man ang minamahal niya ngayon, eh, go. At karapatan niya ‘yun. Ang sa akin lang, huwag na lang madamay pa ang mga anak namin sa isyu,” bungad ng aktres sa panayam ni Cristy.
Dinepensahan din ni Ms. D ang dalawang anak, lalo na sa usaping pagiging gold digger umano ni Pauleen.
“Nay Cristy, hindi naman umabot sa akin ang ganu’ng balita. Ang sa akin, kung nasabi man ’yun ng aking mga anak, eh, bilang paalala at pagmamahal lang sa kanilang ama. Siguro lang gusto nilang i-remind sa kanilang ama na sobrang mas bata ang ka-relasyon nga-yon ni Vic.
“Wala naman akong na-kikitang masama du’n dahil bilang mga anak niya sina Danica at Oyo, hindi maiaalis ang pag-aalala sa posibleng maging kalaga-yan ng kanilang ama,” li-tanya pa ni Ms.D.
Sa ngayon daw, isa lang ang hinihiling ni Dina kay Vic -- na bigyan naman ng pagkakataon na makasama ang mga anak nila para maka-pag-usap sila nang masinsinan.
“Kay Oyo Boy ako labis na nag-aalala. Kasi si Da-nica, nakasama niya ng matagal, pero si Oyo lumaki talaga na wala siya dahil that time, eh, nagkahiwalay na kami. Mahal na ma-hal ni Oyo ang Daddy niya, at time na marahil na bigyan niya ngayon ng pagkakataon na magkasarilinan sila,” dagdag pa ni Ms. D.
Wala raw ibang hinaha-ngad si Ms. D kundi maging maligaya si Vic sa babaing minamahal nito ngayon pa-ra pareho na silang masaya sa buhay, lalo pa at natagpuan na rin ni Dina ang lalaking labis na nagmamahal sa kanya at partner in life forever.
* * *
RICHARD PINLAC PATULOY NA HUMAHATAW SA RADIO PROGRAM NA CRISTY FERMINUTE
ANG pagiging mahusay ni-yang manunulat, sipag at ganda na rin ng boses ang naging puhunan ni Richard Pinlac para kunin siya bilang co-anchor ng Reyna ng mga Intriga na si Cristy Fermin.
Kaya naman ka-tandem siya ngayon ni Cristy sa programang Cristy Ferminute na napapakinggan Lunes hanggang Biyernes alas-4 hanggang alas-5:30 ng hapon sa 92.3 News FM at sabayang napapanood sa Aksyon TV.
* * *
EDSA MY LOVE
NG THE DAYBREAKS BAND KINAAALIWAN SA 102.7 STAR FM
ISA sa mga bagong awitin ngayon na gustung-gustong pakinggan ng music lovers ay ang bagong kantang sinulat ng kilalang kompositor na si Sam Madrid.
Ito ay ang Edsa My Love na kinanta ng bandang The Daybreaks. In fact, most requested song na ito sa 102.7 Star FM. Sabi nga ng mga nakari-nig na ng awitin, tunay na nakakapagpapangiti at nakapagpapaalaala sa kanila ang lyrics ng Edsa My Love.
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 200
By : Chit Ramos
MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 291
By : Mario Bautista

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 152
By : People's Tonight
A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2. Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 227
By : Nel Alejandrino
LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more
Published : Monday May 21, 2012 | Category : Showbiz | Views : 225
By : Vinia Vivar
Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more