Arnell leaves Annabelle Rama’s camp


BALIK-noontime show ang magaling na ko-medyanteng si Arnell Ignacio.

Halos ilang taon din si-yang nanahimik sa naturang timeslot. Huling napanood bilang noontime show host si Arnel sa Mangandang Tanghali Bayan sa ABS-CBN, na hindi naman nag-rate at nagsara nang ‘di makaalagwa sa katapat na Eat Bulaga ng GMA7.

Sa grand launch ng ba-gong show ni Arnell sa TV5 na Game ‘N Go,  na tatapat sa noontime show ng ABS-CBN at GMA7, hindi ba nape-pressure si Arnell dahil mabibigat ang kanyang makakalaban?

Say naman ng magaling na host, malaki ang respeto niya sa mga katapat na shows, lalung-lalo na sa  Eat Bulaga. Friends daw niya ang hosts ng dalawang shows kaya hindi naman   daw siya nakakaramdam ng pressure. Para sa kanya raw kasi, trabaho lang  ang paglalaban nila at pare-pareho silang  ang  adhikain, makapagpasaya ng mga tao.

Ang show ni Arnell, tulad ng sa Kapamilya at Eat Bulaga, ay mamimigay din ng limpak-limpak na papremyong salapi. Ang pagkakaiba lang daw marahil, mas magiging bongga ang kanilang presentation.

Kinumusta namin si Arnell kung magkano ang ta-lent fee niya, knowing na ang  TV5, galit yata ‘pag hindi namudmod ng salapi.

Isang malutong na tawa ang  naging tugon ni Arnel sabay sabing mahirap tanggihan ang alok na kadatu-ngan ng TV5.

Tinanong din namin si Arnell tungkol sa paglayas niya sa poder ng dating manager na si Annabelle Rama sa gitna ng kaguluhang nagaganap ngayon sa pagitan nina Annabelle at Nadia Montenegro.

Sabi ni Arnell, nagpaalam daw siya nang maayos kay Annabelle at binigyan naman siya ng blessings ng dating manager. Sa ngayon, wala pang  nahahanap na bagong manager si Arnell.

Anyway, kasama ni Arnell sa Game ‘N Go sina Edu Manzano, Gelli de Belen, Shalani Soledad, Tuesday Vargas, at marami pang iba.

*  *  *

MARAMI ang nagulat sa bagong billboard sa EDSA ng tween star na si Alden Richards.

Naka-topless at naka-shorts lang ang young actor. Fresh and sexy ‘ika nga.

First time para kay Alden ang magpakuha ng sexy, pero happy siya sa kinalabasan ng kanyang kauna-unahang sexy billboard.

Maging ang ama ni Alden, natuwa rin sa nakitang billboard ng anak. Hindi raw kasi akalain ng ama  na ma-kikita ang anak na nasa mala-king billboard sa EDSA.         Kung may natuwa, si-yempre may kumontra din, lalung-lalo na ang lola ni Alden, na isa palang lola’s boy.

Ayon sa grandma ni Alden, napakabata pa raw ng apo para magpa-sexy.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 200
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 291
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 152
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 227
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 225
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC