Doc Manny explains U.S. issue


FINALLY, binasag na ni beauty doctor Manny Calayan ang kanyang katahimikan sa usap-usapan hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Calayan Aesthetics Clinic sa Estados Unidos.

Sa kuwento ni Doc Manny, nagsimula ang lahat nu’ng makilala niya si Adelaida “Aida” Arceo noong 2008.

Naging isa sa performers sa concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na i-produced ni Aida si Doc Manny, at ang nagpakilala sa dalawa ay si Ms. Vicky Pacis ng GMA Network.

Hinimok naman ni Aida si Doc Manny na magtayo ng klinika sa Los Angeles, California kung saan isa siyang residente doon.

Naisip ng doktor  na magandang ideya ito, pero hindi niya alam na ito ang magiging simula ng mga sakit ng ulo at damdamin na hahantong sa legal na aksiyon.

Sinabi ni Doc Manny, ang nagdala sa Pilipinas ng Smartlipo at Vaserlipo na dalawang revolutionary fat removal procedures na mas ligtas sa tradisyunal na liposuction, na simula pa lamang ng negosyo nila sa Hollywood, ipinakalat na ni Aida na mayroon siyang shares at perang kontribusyon sa Calayan Corp. USA.

“Nagbenta siya ng mga produktong Calayan nang hindi namin alam at ang ibang produkto ay ni hindi Calayan, pero sinabi niya sa mga kliyente na galing ang mga ’yun sa amin. Tumawag siya sa aming bank manager at nagkunwaring siya si Dra. Pie at sinubukang kunin ang mga detalye ng aming bank account dahil alam niya ang mga importanteng impormasyon tungkol sa amin.

“Dinala niya sa ibang doktor ang aming mga kliyente, nagkunwari pang binenta ang aming klinika. Nanghiram siya sa amin ng pera. Siningil niya kami ng walang mga opisyal na invoices at resibo. Lagi niyang hinihingan si Dra. Pie ng tsekeng bayad na nakapangalan sa kanya,” pagbubunyag ni Doc Manny sa mga ginawa sa kanila ni Arceo.

Nagtayo rin umano ang pamilya ni Aida ng isang medical supply shop sa Amerika na tinawag ni Doc Manny na “peke.”

Ginamit niya ang tindahang ito para singilin ang mga Calayan para sa medical supplies na hindi naman napunta sa kanila. 

Para sa mga Calayan, malinaw na sinamantala ni Aida na dahil laging nasa Pilipinas si Doc Manny at abala naman si Dra. Pie sa Los Angeles. Mas mahigpit daw kasi si Doc Manny pagdating sa pera kaysa kay Dra. Pie at alam umano ito ni Aida.

Kaya naman napilitan sina Manny at Pie na kumilos na laban kay Aida. 

Nagsampa na sila ng kaso sa mga korte sa California noong nakaraang taon, pero marunong si Aida ng “delaying tactics” kaya palit siya nang palit ng mga abugado.  Nagsampa na rin sila ng civil case, identity theft at fraud laban kay Aida.

Samantala, sa panig naman ni Aida, nagsalita na ito na walang katotohanan ang inaakusa sa kanya ng Calayan.

Handa rin umano siyang harapin ang anumang kasong ihahain laban sa kanya ni Doc Manny.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 199
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 290
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 152
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 227
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 225
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC