Julia tightly guarded by her grandma — Coco


Wala pa ring lovelife si Coco Martin kaya aniya, noong nakaraang Valentine’s Day, natulog lang siya.

“Kasi ’yun lang po ’yung time ko na walang trabaho, eh. Natulog talaga ako kasi ’yun lang talaga ang time ko. Araw-araw kasi ang trabaho ko, eh. Kung wala akong taping, nagsu-shooting ako ng movie, tinatapos ko ’yung movie namin ni Angeline (Quinto). Tapos, may mall show pa kami dito sa Walang Hanggan. Kaya everyday po talaga, nagtatrabaho ako,” sey ni Coco nang makausap namin sa taping ng Walang Hanggan sa Antipolo.

Kumusta sila ng leading lady niyang si Julia Montes, wala pa bang nagaganap na ligawan?

“Wala po, bantay-sarado ng lola niya, eh,” natatawa niyang sabi.

So, hindi nga niya maligawan?

“Bata po, eh. Sa akin naman kasi, baka ’pag hinaluan ko ng ano, baka magkaroon pa ng problema pagdating sa set.

“Kunyari magkaroon kayo ng ano, halimbawa, may away, magkakailangan pa. Eh, ngayon, masaya kami, eh.

“Kahit na alam naming mahirap ang proyekto, ’pag magkakasundo kayo, nagiging magaan, nagiging masaya.”

Wala naman siyang nararamdaman na parang may gusto sa kanya si Julia?

“Parang wala naman. Hindi yata ako ang type nu’n, eh,” natatawa pa niyang sabi.

Eh, ’yung isa pa niyang leading lady, si Melissa Ricks?

“Si Melanie (tawag niya kay Melissa), kumbaga, pareho kami ng RM (road manager), eh, dati pa naman, magkaibigan na kami.”

Hindi ba siya nabo-bore na wala siyang lovelife?

“Hindi naman. Hindi naman ako naghahanap, kasi sabi ko nga, sa pagod. ’Di rin magwo-work kung saka-sakali. Parang it’s better na ipahinga ko na lang.

“Kasi, kaya sinasagad ko na ngayon (ang pagtatrabaho), alam ko namang darating din ang time na mag-iiba ’yung... iikot din ’to, eh.

“So, sabi ko, habang okey, habang dire-diretsong blessings ’yung dumarating sa akin, sasagarin ko na.

“Para ’pag dumating ang araw, wala akong pagsisisihan na ‘bakit ’di ko na lang pinagbuti ’yung trabaho ko, inuna ko ’yung barkada saka lovelife?’

“Parang sa akin, unahin ko na muna itong trabaho. Kasi ’pag dumating na ang time na hindi na ganito, mas mahabang panahon para mag-focus ako doon.

“Kasi ang tagal ko namang hinintay ’to. Hindi naman ako nagsimula na parang biglang naisipang kong mag-artista tapos, eto na.

‘Dumaaan ako sa indie (independent film), ilang beses akong sumubok sa TV, hindi ako pinapansin. Ilang beses din akong ni-reject ng TV.

“Kaya sabi ko, nang dumating talaga sa akin ang pagkakataon, sabi ko, magpo-focus talaga ako at kung anuman ang kaya kong gawin, isasagad ko na,” aniya.

Labis-labis ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil naikot na raw niya ang lahat ng istasyon at huling-huli niyang napuntahan ang Kapamilya network.

Pero ito pa raw talaga ang nagbigay ng todo-todong pagkakataon sa kanya para ipakita ang kanyang kakayahan.

* * *

Empress turned a year older yesterday, Feb. 19, pero nauna na niya itong i-celebrate kahapon by having a Luau party sa isang condo sa Makati kung saan ay close friends at family lang ang imbitado.

Bukod dito, nauna na rin siyang nagkaroon ng birthday outreach program kung saan ay binisita niya ang Ephesus Home for Girls and Bethany Sto. Nino Orphanage sa Guiginto, Bulacan.

Ang unang plano nga raw sana ay sa Smokey Mountain sila pupunta, pero dahil sa bad weather ng nakaraang linggo, hindi ito natuloy.

Kasama ni Empress sa nasabing outreach program ang leading man niya sa Mundo Man ay Magunaw na si Ejay Falcon at labis na ikinatuwa’t ikina-touch ng dalaga ang pagsama sa kanya ng young actor.

Imagine nga naman, sa halip na magpahinga, nag-spend ng time si Ejay para samahan siya sa pagbibigay-saya sa mga bata.

Bukod dito, binigyan pa siya ng young actor ng pagkamahal-mahal na Blackberry 9900 bilang birthday gift.

Kinakantiyawan ngayon si Em dahil mukhang nagkaka-develop-an na sila ni Ejay.

Anyway, kahapon ay binigyan si Empress ng birthday presentation ng kanyang mga Kapamilya sa ASAP 2012.

Pagkatapos nito, dumiretso siya sa Bacolod para sa isang event na natanguan kaya it was a working birthday para sa young actress.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 199
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 289
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 152
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 226
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 224
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC