Rhian promotes ‘The Road’


Last Saturday ang Christian dedication kay Baby Nathaniel James Velasquez Alcasid sa Victory The Fort at sa clubhouse ng Ayala Heights ang reception.

Gaya sa Catholic baptism ni Baby Nate, marami rin siyang godparents.

Sina Pastor Bernard Marquez, Mark Murrow, Gary Valenciano, John Estrada, Piolo Pascual, Perry Lansigan, Rubby Lugtu, Dingdong Avanzado, Beethoven Bunaga (Michael V) at ang misis nitong si Carol, Jose Roberto Adriano, Dennis Mendiola, Noel Cabangon, Anthony Nazareno, Mikee Cojuangco, Pops Fernandez, Gigi Alcasid, Deca Pineda, Dianne Roque, Bambi Santos, Jaya, Patty Mayoralgo, Liza Martinez, Sandy Andriano, Kris Nazareno at Agot Isidro.

Samantala, wala palang repeat ang Mr. & Mrs. A concert nina Ogie at Regine dahil ipalalabas na sa March 4 ang TV coverage nito.

Baka post-25th anniversary concert na lang ang gawin at sabi, sa Arena ng SM Mall of Asia gawin.

Nag-text si Jun Lalin at isama raw pasalamatan ang sponsors ng concert: Belo, GMA-7, Smart, Bench, Pacific Blue, Sterling, McDonalds, Victoria Court, Pagcor, MLhuiller, Cravings, Asialink, Pest Off at Woodpecker Studio.

Ang husay pala talagang magluto ni Songbird, ang sarap ng inihanda nitong food sa press at ang aliw, nakatingin lang sila ni Ogie habang nilalantakan namin ang nakahandang iba’t ibang putaheng inihanda nila.         Saka, nadiskubre naming selosa si Regine at pinagseselosan nito si SH.

* * *

Nag-tweet kami kay Direk Yam Laranas para magtanong tungkol sa showing ng The Road sa States.

Sa May 11 daw ang showing ng movie sa USA at ang red-carpet premiere ay bago ang opening ng movie sa prestigious (Mann) Chinese Theater sa Hollywood Blvd.

Hindi pa alam ni direk kung sino sa cast ang dadalo, pero wish nitong buong main cast ay dalhin ng GMA Films sa States.

Ang sabi, si Rhian Ramos pa lang ang tiyak na dadalo sa premiere night ng The Road.

Pinuri ang direction ni Yam at ang lahat ng bumubuo ng cast at dahil sa promo ng movie, muling lumabas si Rhian at narinig naming kumanta si TJ Trinidad.

* * *

Birthday ni Yul Servo sa February 22. Kasabay niyang magbi-birthday si Roseanna Magan, ang batang bida sa Biritera, kaya tiyak na may blowout sa taping ni Direk Maryo J. delos Reyes.

May medical mission siya for his constituents at may stage musical na Yul Time Gametime sa Blumentritt.

Ngayon lang uli nakatrabaho ni Yul si Direk Maryo, kaya natutuwa at pasalamat ito na hindi sabay ang taping niya sa session nila sa Manila City Hall.

Maganda ang role ni Yul sa Biritera bilang laos na actor, ka-live in ni Rich Asuncion at boylet ni Dexter Doria.

Kahit kontrabida ang role, mahal pa rin daw siya ng constituents niya.

Natawa kami sa sinabi nitong dahil masaya siya sa soap at sa kanyang role, kahit madaling-araw na sa taping, naka-smile pa rin siya.

Hindi pala sumagot si Yul nang tanungin sa break-up nina Piolo Pascual at KC Concepion.

Ngumiti lang ito at hindi na nakita ang mga mata. 

* * *

Sa Alice Bungisngis, kahit ginamot ni Alice (Bea Binene) ang bukol ni Ace (Jake Vargas), galit pa rin ang huli dahil ninakaw daw ng una ang headset niya.

Mga halaman ang itinapal ni Alice kay Ace.

Gustong makita ni Don Zaldy (Roy Alvarez) si Alice at sa pagdalaw nito sa ampunan, nalamang naroon ang dalagita.

Bilang pasasalamat, dodoblehin nito ang donasyon sa ampunan.

Magkikita uli sina Ace at Alice at muling mag-aaway.

* * *

Sa Valiente, namatay si Luming (Gina Alajar) dahil aksidenteng nabaril ni Theo (Oyo Sotto).

Sa burol ng ina, mangangako si Gardo (JC de Vera) na ipaghihiganti ito.

Masaya si Trining (Jaclyn Jose) sa pagkamatay ni Luming at ipaliligpit nito ang ebidensya.

Lubhang nalungkot si Damian (Michael de Mesa) sa pagkamatay ng asawa.

Sa gitna nang pagluluksa, madidiskubre ang isang ebidensyang magtuturo kung sino ang pumatay kay Luming.

* * *

Sa My Beloved, patay na si Junic (Carl Guevarra), pero hindi sasama sa sundo niya dahil marami pa siyang unfinished business.

Isa na rito si Monica (Jennica Garcia) dahil hindi natuloy ang balak nilang pagpapakasal.

Iniligtas ni Rico (Alden Richards) si Benjie (Dingdong Dantes), pero gulat ito na walang maalala ang kapatid sa pagkatao niya.

Ang batang si Pepay lang ang nakakaintindi sa kababalaghang nangyayari.

Makikilala ni Arlan (Dingdong) si Emmie (Katrina Halili), ang GF ni Benjie.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 199
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 289
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 152
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 226
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 224
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC