Glaiza secretly wants Dennis


TAMA lang na mapabilang sa Biritera  si Glaiza de Castro dahil mat talent talaga siya sa music.

Super-excited nga si Glaiza nang malaman niyang ika-cast siya sa Biritera as band member ng bandang kinabibilangan ni Dennis Trillo.       

Dahil drummer si Glaiza sa kanilang banda, minabuti niyang bumili ng drum set na nagkakahalaga ng P20,000. Nag-hire din siya ng magaling na drummer mula sa isang sikat na banda para turuan siyang maging mahusay na drummer.

By the way, sa Biritera, magkakaroon ng secret feelings si Glaiza kay Dennis Trillo, ang singer ng kanilang banda.

*  *  *

MALAKAS ang impact kay Neil Ryan Sese ng soap na Munting Heredera.

Inamin ni Neil sa interview namin na mabigat talaga ang role niya sa Munting Heredera na nagampanan naman niya with flying colors.

Kaya naman dito raw siguro siya napansin ng big bosses ng GMA7 at inalok agad siya ng 3 to 5 years contract with guaranteed projects tulad nga nitong Biritera.

May importanteng role si Neil sa Biritera bilang tunay na ama ni Roseanne Magan sa Biritera.

*  *  *

BUKOD sa pagiging isa sa cast ng Biritera, busy din sa paggawa ng indie films si Orlando Sol.

Bago nagsimula ang Biritera, natapos na niya ang indie na Umang.

Leading man siya rito ng stage actress-turned-movie actress na si Sue Prado, na lumabas din sa Munting Heredera.

Kahit maselan ang topic ng indie film kung saan kailangang magkaroon ng bedscenes si Orlando sa kanyang leading lady, tinanggap pa rin niya ang Umang.

Payag na kayang  mag-frontal nudity si Orlando?

Super-hunk kasi ang katawan niya ngayon kaya naman maraming matrona’t mga bading ang pantasya siya, huh!

*  *  *

DAHIL super-modern na ang buhay ng pamilya ni Pepito Manaloto, ang anak ni Pepito na si Chito na gi-nagampanan ni Jake Vargas, ay naingganyong magpa-tattoo.

Pero ang inang si Elsa (Manilyn Reynes), ‘di papayag. Karamihan daw  ng nagpapa-tattoo, nasa bilangguan.

Pero iba ang pananaw ni Pepito bilang padre de pa-milya. Payag siyang magpa-tattoo si Chito. Aware siya kung ano ang ibig ipahayag ng mga nagpapa-tattoo. Kaya pati si Pepito, magpapa-tattoo na rin.

Matuloy kaya ang ba-gong adventure na ito ng mag-ama ngayong Linggo sa Pepito Manaloto?

*  *  *

PATULOY ang pagkuku-wento ni Sen. Bong Revilla tungkol sa Frozen Planet sa   kanyang Kap’s Amazing Stories.

Tatalakayin niya nga-yong Linggo ang buhay-buhay ng Eskimo, ang indigenous people  sa North Pole. Libu-libong taon na silang naninirahan sa pinakamala-mig na lugar sa daigdig at pa-ano sila nabubuhay sa ma-yelong lugar na wala man lang lupang puwedeng ta-niman ng halaman?     

Mapapanood ang   Kap’s Amazing Stories  pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

*  *  *

AYON kay Paolo Bediones, ang nagustuhan niya sa TV5 ay matitinding challenges sa trabaho at hindi lang ang mataas na suweldo.

Hindi lang kasi siya talent sa TV5, kasama rin siya sa pagpaplano at pag-iisip ng magagandang ideya para sa NEWS5  with Cherie Mercado at Jovi Francisco.

Ihahatid ng NEWS5 ang pinakabagong late-night newscast tungkol sa mga pangyayari  sa Pilipinas at buong daigdig, simula sa Lunes, Feb.20, 11 pm, sa TV5.

Ihahatid ng Pilipinas News (P-News) naman  ang pinaka-komprehensibong mga kaganapan sa loob ng bansa sa buong magdamag. Layunin ng late-night newscast na ito na lumayo sa nakasanayang paghahatid ng mga isyu at problema sa pamamagitan ng pagbabalita at paghahanap ng solus-yon. Hindi rin natatapos sa masasamang balita at alitan sa pulitika ang araw ng mga Pilipino dahil ihahatid din ng P-News ang mga kuwento ng samu’t saring tao mula sa iba’t ibang antas ng buhay na nagpapakita ng pagbabago at pag-asa.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 199
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 288
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 152
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 226
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 223
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC