Danita blooming despite heartbreak


MALAKI ang iginanda at mas naging sexy ngayon ang young actress na si Danita Paner.

Nasaksihan namin ito nang dumalo kami sa grand launch ng bagong palabas ng TV5 kamakailan sa The Fort, Taguig City.    

Biniro nga namin si Danita na kung kailan  naghiwalay sila ng landas ng ex-boyfriend na si JC de Vera, saka naman nag-bloom ang kanyang beauty.

Susog pa namin, hindi kaya mga problema lang ang naranasan niya noong sila pa ni JC?

Natatawa namang sinabi ng bida sa afternoon soap ng TV5 na Isang Dakot na Luha, in fairness naman daw sa dating kasintahan, naging masaya naman siya sa piling nito.

‘Yun nga lang daw, dumating na sa puntong kailangan nilang maghiwalay at naging maganda naman daw ang kanilang parting ways.

Naitanong din namin kay Danita na sakaling balikan siya ni JC,  lalo pa nga’t ang ganda at sexy niya ngayon, tatanggapin pa kaya niya ang aktor? 

Sagot ng dalaga ni Daisy Romualdez, malabo na raw ang balikan nila sa ngayon, pero hindi naman daw siya nagsasalita ng tapos.

Para kay Danita, naka-focus muna siya sa kanyang showbiz career. Lalo sa bago niyang project sa TV5 na ipinagmalaki pa ni Danita na may mga sexy scenes siya na first time niya gagawin.

Katwiran ni Danita, hindi na rin naman siya bata para magpa-tweetums at ready na raw siyang sumabak sa daring na mga role.    

Nu’ng matanong namin kung may nag-alok na rin sa kanya na magpa-sexy sa men’s  magazines, inamin ni Danita na mayroon daw. Pero hindi pa niya matanggap kasi feeling  niya, hindi pa siya handa sa mga sexy pictorials.    

*  *  *

KAYOD-KALABAW naman daw ang drama ng broadcaster na si Paolo Bediones sa Kapatid Network.

Pero happy naman daw siya, kasi nga  mukha na ni Paolo ang bubulaga sa TV5 sa pag-uumpisa ng kanilang programming via Good Morning Club, Lunes hanggang Biyernes. Tapos sa gabi naman, sasalang si Paolo bilang newscaster ng late night news na Pilipinas News.

Sa Linggo ng gabi, mayroon pa siyang USI (Under Special Investigation) at magiging host ng reality game shows na Extreme Makeover Home Edition Philippines, bukod sa pagsalang niya bilang radio broadcaster sa radio station ng TV5.

So, halos jingle na lang ang pahinga ni Paolo, huh!

Inamin din ni Paolo na pag-uwi niya sa gabi, sa kotse na lang siya natutulog at pagdating sa kanilang bahay, ligo at palit na lang ng damit ang kanyang ginagawa para sa morning show niya na nagsisimula sa alas-5:30 ng umaga.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 199
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 288
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 152
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 225
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 222
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC