An intentional faux pas?


Sa bonggang launching ng mga bagong programa ng TV5 na ginanap sa NBC Tent last Wednesday, isa sa mga ito ay ang Nandito Ako na pinagsasamahan nina Gelli de Belen, Eula Caballero, Alwyn Uytingco, Jasmine Curtis with American Idol star David Archuleta.

Sa speech ni Gelli, inimbitahan niya ang lahat na panoorin ang mini-series nila sa TV5 at binanggit niya na siya ang gumaganap na nanay ni Anne Curtis.

Napagtanto lang ni Gelli ang pagkakamali nu’ng mag-react ang audience sa NBC Tent kaya agad niya itong binawi at sinabing si Jasmine pala at hindi si Anne ang lalabas niyang anak sa Nandito Ako.

Sa unang presscon kasi ng Nandito Ako, na ginanap sa Meralco Multi-Purpose Hall, nang ipakilala ang buong cast ng Kapatid soap, buong-ningning na sinabi  ni Jasmine na si Giselle (instead of Gelli) ang gumaganap bilang nanay niya.

Gumanti lang si Gelli kay Jasmine.

Hahaha!

* * *

NAKATSIKAHAN namin si Vice Ganda kamakailan at inung-kat  namin ang naglabasang isyu na nang-snub daw siya ng ilang entertainment writers.

“Di totoo ‘yun. Alam ko naman kung papaano masaktan ang isang reporter,” salag ni Vice.

“Ayaw ko namang ma-ging plastic na kahit hindi ko kilala ‘yung reporter ay mag-hi-hi ako sa kanya. Sa tagal ko na sa showbiz, uulitin ko, alam ko kung pa-ano masaktan ang isang reporter at kung papa-ano rin pasa-sayahin.

“Sa hindi ko po napansin na reporter. Sorry po! A-yoko lang po kasing bumati sa hindi ko naman kilala.  Baka maging sanhi pa ‘yun  na sabihan akong plastikada,” hirit pa ni Vice.

*  *  *

Natawa kami sa biruan ng ilang press sa bagong show ni Arnell Ignacio sa TV5 na Game `N Go, isang noontime show kasama sina Shalani Soledad at iba pang talents ng Kapatid Network na magsisimulang mapanood sa March 10.

Si Arnell kasi ang pinaka-main host ng naturang game show kaya naalaala ng press people ang naging show ni Arnell sa GMA7 na isa ring game show, pero hindi nagtagal sa ere.

Baka raw kasi hindi rin magtagal ang gameshow ni Arnelli sa TV5 kaya dapat daw na title ng show ay Come ‘N Go.

In fairness naman kay Arnell, pagdating sa pagho-host talagang mahusay ito at magaling mag-adlib, ’di ba?

Pero magtagal nga kaya sa ere ang game show ni Arnell sa Kapatid Network para mapatunayan niyang hindi siya jinx?

Just asking!



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 198
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 288
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 150
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 224
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 222
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC