Edu no-show at his new show's grand launch


SAYANG at hindi dumating si Edu Manzano sa grand launch ng mga bagong show sa TV5 which highlighted his “Game and Go” show with Shalani Soledad-Romulo, Arnell Ignacio among others.

Nabuksan kasi ang topic tungkol sa kasong isinampa ni Arnel, with the help of Edu, laban sa dalawang highway patrol officers na nang-harass sa kanya at nangotong pa ng P50 thousand pesos.

“Hindi ko talaga na-expect ang mabilis na pagsaklolo sa akin ni Edu  para makasuhan ang dalawang pulis na ‘yon at tuluyang ma-dismiss sa serbisyo,” ani Arnell. “Napanood lang ako ni Edu na ini-interview sa TV tungkol sa pangyayari at awang-awa siya sa akin. Bago ako nakaalis ng police station nang mga sandaling iyon, nakatanggap na ako ng tawag sa kanya at nag-meet kami. Binigyan niya ako ng dalawang abogado. Siya ang nagbayad lahat. Natulala ako sa pagmamalasakit niya.

“Iyon pala ang isa sa mga ipinakikipaglaban ni Edu kahit private citizen siya at wala sa gobyerno. Galit siya sa mga corrupt sa gobyerno. Nagkaroon ako ng lakas ng loob. Hindi ko pinairal ang galit ko. Nagpaka-hinahon ako lalo na nang mag-report ako sa police station. Hindi ako nagpakita ng galit kahit nang makita ko ang dalawang pulis doon. Hindi ako nag-eskandalo, basta diretso lang ako sa hepe nila kung saan ako may appointment. Bilib din ako kay Gen. Espina dahil straight siya. Gusto niyang lumabas ang totoo at hindi niya pinatagal ang kaso.”

Kaya, tuwang tuwa si Arnel nang makasama sa “Game and Go” show. “Hindi lang siguro nakarating si Edu dahil kasalukuyang nama-malantsa,”  biro niya. “Konting lukot sa pantalon, pinapa-plantsa agad,” patuloy niya at nakuha pang humalakhak.

Napag-usapan din ang tungkol sa kanyang daily show on TV 5, sa 92.3FM tuwing madaling araw  2:30 hanggang 4.a.m. co-anchor  niya sina Pilar Mateo at Madam Venus.

“Malawak na yata ang naabot (ng show) kahit madaling araw na. Dahil  doon, ipinatawag ako ng U.P College of Law para sa aking mga opinion. Naimbitahan na rin ako na dalawin si former President Gloria Macapagal-Arroyo. Nakakaawa din,  parang robot na ang galaw ng kanyang leeg.”

SARAH, LATE NA ANG LOVELIFE

HABANG nakatuon ang pansin ng lahat kay Sarah Geronimo sa Q and A portion ng bagong show niyang “Sarah G: Live!” na magsisimula na sa Feb. 26 (after “Rated K” at bago ipalabas ang “PBB Unli Night” sa Channel 2) si Mommy Divine   naman  (ni Sarah) ang inaatupag ng mga katabing movie press people sa halip na anak nito.

“Sino ba ang mas mayaman sa inyo ngayon ni Corona (meaning CJ Renato Corona) sino ang mas malaki ang dollar account?

“Ano ba ‘yan,” natatawang sagot ni Mommy Divine.

Next question: “Hindi ka ba kinakabahan kay  Gab (Valenciano, co-host ni Sarah )?  Matinik ‘yan sa chicks…”

Hindi naman naligalig si Mommy Divine. “Mabait na bata si Gab. Anak siya ni Gary V at  Angeli na mga relihiyoso.”

Nagpakitang-gilas naman si Sarah sa Q and A. Anya: “Napa ka-open ko na ngayon at nagpapaka-totoo.  Pero sana, huwag naman  masyadong nakakatakot na revelations ang ipapagawa sa akin. Kasi kailangan, maging bolder daw ako.”

Ang tanging kilig moment (actually, it turned out to be sour) ay ang lihim na pakikipag-relasyon ni Sarah kay Rayver Cruz na nang mabunyag ay nagdulot ng first major heartbreak niya. Almost there  na rin sana ang sumunod na kabanata ni Sarah with Gerald Anderson, pero,  naudlot pa. Kung naglilihim lang sila ngayon, malalaman natin ang totoo.

Medyo, late na kasi ang pagkakaroon ng lovelife ni Sarah na 24 na ngayon.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 197
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 286
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 150
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 224
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 222
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC