Marian shrugs off incident at Araneta


Hindi na pinalaki nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang isyung hindi pinapasok ng guard ng Araneta Coliseum ang car ni Marian sa loob ng Big Dome para doon hintayin ang BF na guest sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez last Valentine’s Day.

Sa labas ng coliseum na lang nag-park ang aktres at hinintay matapos ang number ni Dingdong para sa Valentine’s Day date nila. Sa Casa Roces nag-dinner ang dalawa at hindi na rin natuloy ang plano ni Marian na ipagluto ang nobyo.

Samantala, may recap ang My Beloved this Sunday, 10:15 a.m., bago ang Party Pilipinas entitled My Beloved: Ang Simula ng Walang Kamatayang Pag-ibig.

Mapapanood ang malalaking eksena at malalaman kung bakit mataas ang household audience share nito sa Mega Manila. Ang pilot episode ay nakakuha ng 42.7 percent share points, mas mataas sa kasabay na programa sa ibang networks.

* * *

Sunud-sunod na agad ang project ni Gary Valenciano simula pa lang ng taon. Katatapos lang ng campus tour niya sa UP at UST, nagsu-shooting naman siya ng Unitel Pictures movie na I Dobidoo Bidoo, magre-release ng three albums, may concert series sa Music Museum at may US Tour pa.

Excited si Gary sa pelikula, his first full length dahil ang last movie niyang Hataw Na ay 1995 pa. Sila ni Zsa Zsa Padilla ang parents ni Tippy Dos Santos, kalaban nina Ogie Alcasid at Eugene Domingo na parents ni Sam Concepcion. Based sa music ng Apo ang movie,  14 songs ang gagamitin at four songs ang kakantahin ni Gary.

Natutuwa rin si Gary na makakasama na sa ASAP ang anak na si Paolo Valenciano na ilu-launch ngayon after three years na pagtanggi. Marami ring ideas si Gary sa With Love segment niya sa ASAP lalo’t maganda ang feedback ng viewers.

Tuloy na rin ang concert series niya sa Music Museum sa April, busy sa release ng CD ni Kiana Valenciano at release ng three more albums niya this year kabilang ang commemorative album sa Universal Records with three CDs. Whew!

Ibinalita rin ni Gary na magre-renew siya ng contract sa Afficionado, kukunin siya ng Coke para sa 100 years promo at gusto siyang ipadala ng MLhuilier sa US branches dahil siya ang international endorser.

* * *

Hindi makapaniwala si Neil Ryan Sese sa maga-gandang nangyayari sa kanyang career after Munting Heredera. Kahit nasa Biritera  na siya, Simeon pa rin ang tawag  ng tao sa kanya, name niya sa Muher, pero makikilala rin siya bilang si Eric, name niya sa Biritera dahil maganda rin ang role niya bilang real dad ng lead star.

Yayaman ang karakter niya sa Biritera, magiging chef ng kanyang chain of restos at heto pa, parang magkakaroon sila ng love angle ni Angelika dela Cruz. Feeling lucky si Neil dahil after Camille Prats, si Angelika naman ang love interest niya, pati wife niya, excited.

Pina-finalize na rin ang pipirmahang kontrata ni Neil Ryan sa GMA-7, pero co-manager pa rin niya si Direk Maryo J. delos Reyes. Bibigyan daw siya ng two to three soaps a year, maliban na lang kung ma-extend ang soap na lalabasan niya.

* * *

Isa na si Kiko Estrada sa baguhang may pinakamahabang pangalan dahil ang full name ng 18-year-old son ni Gary Estrada kay Cheska Diaz ay Jayson Joseph Francis Carlos Ejercito. Student ng Diplomatic Affairs sa St. Benilde ang binata at isasabay ang pag-aartista sa pag-aaral.

Napapanood siya ngayon sa Tweenhearts bilang si Kevin at naka-schedule pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center next week with his dad.

Excited na ito sa ibibigay na soap sa kanya at kung papipiliin, gustong makasama si Sarah Lahbati na crush niya. Alam nitong tumigil na ang ABS-CBN talent sa panliligaw sa aktres.

Samantala sa Tweenhearts, si Belinda (Bea Binene) lang ang excited sa prom. Si Aya (Joyce Ching) ngarag dahil siya ang in-charge sa prom. Magkakaroon ng tension sina Bambi (Barbie Forteza) at Josh (Joshua Dionisio) dahil iimbitahan ni Bambi si Kevin (Kiko) na sumama sa kanila.

Darating si Heidi (Kylie Padilla) sa prom na ka-date ang commercial model na si Leo Navarro (Steven Silva), hurt si Rick (Derrick Monasterio).



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 197
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 286
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 150
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 224
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 221
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC