Dawn wants to 'adopt' Coco


Parehong nag-enjoy sina Dawn Zulueta at Coco Martin sa 10-day stay nila sa Italy para kunan ang ilang mga eksena sa Walang Hanggan na mapapanood na next week.

Sa kuwento kasi ay kukupkupin ni Emily (Dawn) si Daniel (Coco) without knowing na mag-ina sila at dadalhin sa Italy.

Take note, sa dinami-dami ng cast ng serye, sila lang ang nagtaping sa Italy kaya naman sabi ni Dawn nang makausap namin sa set visit ng serye sa Antipolo City last Friday night, she feels special because of this lalo pa nga’t first time niyang makarating sa nasabing bansa.

“Sinabi ko nga kay Deo (Endrinal, business unit head ng Walang Hanggan), maraming salamat at ’yung karakter ko talaga ang napili nila na magkaroon ng opportunity na kaming dalawa ang pumunta sa Italy, kasi, as I’ve said, it’s my first time rin sa Italy,” sey ni Dawn.

Nakapag-bonding nga raw sila ni Coco roon at mas higit niyang nakilala ang aktor.

“You know, si Coco, wala siya talagang kaere-ere, wala siyang kaarte-arte sa katawan niya, dinudumog na kami roon sa kung saan kami nagsu-shooting pero ano siya, production person siya. Siya pa ’yung nag-iilaw sa akin, siya pa ’yung may hawak ng reflector.

“Hindi niya iniiinda ’yung... kasi ang dami-dami niyang fans doon, ang dami-dami ring Pinoy doon. Napakabait  niya at tinutulungan pa kaming magbuhat ng bagahe namin, nahihiya nga ako kasi ang dami-dami naming dala. Kinakarga niya ’pag nakikita niyang mabigat.

“He’s such a gentleman, gusto ko ngang iuwi. Gusto kong i-introduce sa asawa ko, ‘isa pa nating anak,’” natatawang sey ni Dawn.

Speaking of her husband na si Anton Lagdameo, paano siya nagpaalam sa mister niya na pupunta siyang Italy?

“Alam mo, birthday nga niya ’yun nang umalis ako, eh, Jan. 22. Well, medyo sumama ang loob niya. That was the day of the wedding of Roman (Romulo) and Shalani (Soledad). So, dapat sasama ako sa wedding. Wala, lumipad ako noong araw na ’yun.”

Pero naintindihan naman daw ng mister niya at hindi naman ’yung tipong nagalit sa kanya. Bumawi na lang daw siya nang bonggang-bongga pagbalik niya.

Ang nakakatuwa, say ni Dawn, ang tawag daw sa kanya ni Coco ay My. Sey namin, short cut ba ito for mommy?

“Baka yummy,” mabilis na sagot ni Dawn kaya tawanan ang lahat.

“Minsan kasi nagtataka ako, sinabi ko sa PA ko, “si Coco ang tawag sa akin My, ano ’yung My? Tapos, sabi ng isa, Mommy. Ah, mommy, ay ang sweet naman. Tapos sabi nun’g isa, anong malay n’yo baka, yummy. So, wala lang, ganu’n lang, ilusyunin na lang natin na yummy,” natatawa pa rin niyang kwento.

Samantala, sobrang happy ni Dawn na nakasama siya sa Walang Hanggan, nakatrabaho si Coco, Susan Roces and the rest of the powerhouse cast at siyempre, ang dati niyang ka-loveteam at boyfriend na si Richard Gomez.

Bukod dito ay sobrang thankful din daw siya sa mataas na ratings ng serye gabi-gabi.

“A project like this comes only once in a blue moon, na magkakaroon ka ng ganitong klaseng cast. Kaya nung in-offer nga sa akin, bukod sa na-excite ako na si Goma nga ang makakatrabaho ko, na-excite ako kay Tita Susan, Tita Helen, kay Coco,” sabi pa ng aktres

* * *

Later, when Coco joined us sa interbyuhan with Dawn, ang unang tanong ng lahat sa kanya ay kung ano ba ang meaning ng My na tawag niya kay Dawn.

“Yummy,” sey naman agad ni Coco na ngiting-ngiti.

“Hindi kasi, katulad last time, ang payat-payat niya, binibiro ko nga siya, sabi ko, para namang mapapa-isip ako na parang hindi ko naman siya mommy,” natatawang sey ni Coco.

Bale ba ay naikwento ni Dawn na sa rami ng eksena nila na ang galing-galing parati ni Coco, there was this only one scene na nakita niyang naging asiwa ang aktor at ito ay ang eksena nilang tinawag siya nitong “Mama”.

“First time niya akong tatawaging mama sa scene, so magugulat ako, mata-touch ako. Pero asiwa, lumabas sa bibig, eh. Doon ko lang talaga nakita na na-challenge siya sa pag-arte, doon lang, sa scene na ’yun,” kuwento ni Dawn.

Tinanong namin si Coco kung hindi ba niya ma-take na tawaging mama si Dawn kaya naging asiwa siya.

“Hindi, wala namang ano... kasi siyempre, parang careful din ako sa pagbitaw kasi siyempre, dalawa lang kami doon sa eksena, baka alam mo ’yun, imbes na maramdaman mo na para silang mag-nanay or whatever, baka magkaroon ng malice.

“Kumbaga, nagiging careful ka du’n sa atake na gagawin. Kasi sabi ko, parang ang ganda ni Miss Dawn para maging… (nanay), alam mo ’yun?”

Aminado naman si Coco na crush naman niya talaga si Dawn kahit dati pa.

“Siyempre naman, humahanga ako, eh.”

Pero hanggang crush na lang daw siyempre, dahil as we all know, Dawn is very much happily married with two kids. Pero kahit wala pa raw asawa ang aktres, baka hindi rin niya maligawan dahil tiyope raw siya at sigurado naman daw siyang hindi siya magugustuhan nito.

Samantala, starting Monday (Feb. 20) ay mapapanood na ang Walang Hanggan sa bago nitong timeslot which is pagkatapos ng E-Boy. Nagpalit sila ng timeslot ng Budoy.



Showbiz News

Lani denies she'll run for senator

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 196
By : Chit Ramos

MARIING itinanggi ni Cong. Lani Mercado-Revilla na tatakbo siyang senador sa darating na eleksyon. “Napakaaga pa!” sagot niya nang puntahan natin sa wake ng kanyang dakilang ina, si Justa Hernandez sa Heritage Funeral Home noong Martes bago ito i-cremate kinabukasan (Miyerkules). “Isang term pa lang ako sa pulitika and on... Read more

Judy Ann clarifies rift with manager

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 286
By : Mario Bautista

Judy Ann clarifies rift with manager

JUDY Ann Santos is currently absent from TV and the movies but she’s now very visible as the face of a Lactum Panatag mom featured in their 100% Panatag World visiting various malls. At SM Megamall, Juday gamely answered like an expert questions from ordinary moms having nutrition problems with... Read more

‘Streetdance 2,’ hottest event of 2012

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 149
By : People's Tonight

A passion for the same team who brought Streetdance 3D in 2010 due to its gigantic success with a staggering 11 million-pound earnings at the UK box-office, made them come up to something bigger, better and bolder -- Streetdance 2.  Streetdance 2 tells the story of Ash (Falk Hentschel)... Read more

Dolphy 'killed' on FB

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 223
By : Nel Alejandrino

LATE Friday afternoon, ginulat kami ng tawag mula kay Pat P Daza-Planas, na sinundan ng ilan pa, dahil may kumalat daw na balita na pumanaw na naman (yes, pumanaw na naman) ang mahal nating komedyanteng si Dolphy. Pat P, the daughter of popular broadcast journalist Julie Yap-Daza, is a... Read more

Sam and Judy Ann have no kissing scene

Published : Monday May 21, 2012   |  Category : Showbiz   |  Views : 221
By : Vinia Vivar

Masasabi ngang akmang-akma kay Judy Ann Santos ang slogan ng endorsement niyang Lactum na “Panatag Mom” dahil panatag na panatag naman talaga ang buhay niya ngayon. Sa tsikahan nga namin sa kanya last Saturday sa presscon for Lactum ay ilang beses niyang sinabi kung gaano siya kapanatag ngayon sa married/family... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC